top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Celtics at Nuggets, hindi maawat sa top standings

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 25, 2023




Tapos na ang taunang All-Star at panahon na para sa huling pukpok ng mga koponan sa NBA kahapon. Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Boston Celtics at Denver Nuggets sa taas ng Eastern at Western Conference matapos ang magkaibang tagumpay.


Kinailangan ng Celtics ang overtime upang masugpo ang Indiana Pacers, 142-138, sa Gainbridge FieldHouse. Triple double muli sa MVP Nikola Jokic at binuhay niya ang Nuggets laban sa Cleveland Cavaliers, 115-109.


Bumida si All-Star MVP Jayson Tatum para sa anim ng kanyang 31 puntos sa overtime.


Sariwa pa ang pagsabog ng 55 puntos ni Tatum na pinakamarami sa kasaysayan ng All-Star Game noong Linggo sa Vivint Arena.


Nagtapos ang 4th quarter sa 125-125 matapos ipasok ni All-Star Tyrese Haliburton ang dalawang free throw na may 1:41 sa orasan. Mula roon ay walang puntos ang dalawing panig at hinintay ang huling hirit nina Tatum at Boston.


Umani ng malaking tulong si Tatum sa kapwa All-Star Jaylen Brown na may 30 puntos. Umakyat ang Celtics sa 43-17 panalo-talo.


Ibang klase pa rin ang nilalaro ni Jokic na nagsumite ng 24 puntos, 18 rebound at 13 assist. Nanguna sa puntos si Michael Porter Jr. na may 25 at sapat na iyon para sa kartadang 42-18 at isang laro lang ang hahabulin sa Celtics.


Sa ibang laro, lumusot ang Utah Jazz sa Oklahoma City Thunder sa overtime, 120-119, sa likod ng 43 puntos at 10 rebound ni All-Star Lauri Markkanen. Nagpasikat si Luka Doncic sa kanyang 28 puntos at 10 assist sa 142-116 tambakan ng kanyang Dallas Mavericks sa San Antonio Spurs.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page