top of page
Search
  • BULGAR

Celia Rodriguez, inayawang makatrabaho ng maraming direktor

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 22, 2024




Ibinahagi ng batikang aktres at kontrabida na si Celia Rodriguez sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na maraming direktor ang ayaw sa kanya.


Inihayag din ng aktres na isang hindi kinilalang direktor ang nagpahiwatig na ayaw siyang makatrabaho.


“You know what my greatest wish as an actress is? I hope to God I will never work with you again. I used the word never. [I] told him that,” kwento ni Celia tungkol sa linyang sinabi niya sa direktor, bilang tugon sa pag-ayaw nito sa kanya.


Chika pa ng aktres, pinupuna niya ang direktor kapag may reklamo siya sa script na mahahaba.


“Kung bobo, sinasabihan ko. Hindi ko sinasabing ‘bobo ka,’ ano?” aniya.


Bagkus, sinabi niya na, “Direk, sandali. Eh bakit ang haba-haba? Eh ang ibig lang naman sabihin eh maligo ka, period. Bakit meron pang sabon, may duster? Hindi ba understood?”


Gayunpaman, sinabi niyang naiintindihan naman umano ng direktor ang kanyang ipinupunto.


“That’s one thing they have in Hollywood. It is understood,” paliwanag niya.


Binansagan si Celia bilang "The Original Glamorous Movie Star" dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Lumabas na siya sa halos 130 pelikula at TV shows. Sa kanyang karera, nagawa niyang manalo ng tatlong FAMAS Awards sa mga pelikulang Kulay Dugo ang Gabi, The Passionate Strangers, Lilet at Magnifico.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page