top of page

Ayaw ng universe ng ganyan… CELEB AT MISIS, NANGUTANG NG P1 M SA PRODU NG DANCE CONCERT, NANLOKO NA, AYAW PANG MAGBAYAD PERO TODO-BIYAHE ABROADAMA NI ANGEL, PUMANAW NA SA EDAD NA 98

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 7, 2025





BLIND ITEM:


Naiiyak ang kausap naming producer ng isang dance concert habang nagkukuwento ito dahil until now ay hindi pa rin siya nababayaran ng mag-asawang nanghiram sa kanya at sa misis niya ng mahigit isang milyong piso.


Ang mag-asawang naggarantiya sa kanila na mababawi ni produ ang puhunan at kikita pa sila ay may pa-events production. ‘Yung mister ay taga-showbiz at non-showbiz naman ‘yung girl.


Inabot ng mahigit P5 million ang production cost ng dance concert, but later on, nadiskubre ni producer ang mga ginawang pagpa-padding sa mga ibinayad na talent fee (TF) sa mga dancers, DJ, guests, at pati na ang ibinayad ng nakuhang major sponsor sa dance concert ay “Kinatrina Halili” (read: binawasan) pa raw ng mag-asawang negosyante.


Like kunwari, ‘yung dapat na P3 million na sponsorship fee nu’ng major sponsor nila, half lang ang idineklara sa produ na pumasok.


Overpricing din ang ini-report na TF ng mga performers. 


Ang siste, nu’ng naniningil na si produ para sa revenue ng show, tumalbog ang dalawang tseke na tig-P250,000 na inisyu sa kanya nu’ng mag-asawa, na until now ay hindi pa rin daw nalilinis sa bangko.


And then, to the rescue raw ang ina nu’ng isa sa mag-asawa at nag-issue ng tseke na naglalaman ng P1 million, pero tumalbog din at waiting siya kung paano maaayos ito.


Ang nakakalungkot pa raw nito, kinamatayan na ng anak nila na may sakit na leukemia ang dilemna na inabot nila. Alam daw kasi ng anak nila lahat ng tungkol sa pagpo-produce nila sa dance concert at perang in-invest nila rito.


Sa kabila nito, wala raw paramdam ang mag-asawa sa kanya kung kailan ibabalik ang kanyang pera gayung nakikita niya sa socmed (social media) ang pagbibiyahe-biyahe abroad nu’ng taga-showbiz na mister at may mga gigs na inaapiran.

Naku! Ayaw ng universe ng ganyan, ha?



PUMANAW na ang ama ni Angel Locsin na si Angelo M. Colmenares sa edad na 98 last March 5. Kinumpirma raw ito mismo ng pamilya ng yumaong ama ng aktres sa ABS-CBN.


Humihingi ng pagrespeto sa privacy ng pamilya sa pagyao ng daddy ni Angel. At the same time, nagpasalamat ang pamilya ni Angel sa lahat ng nagpadala ng mensahe ng pang-unawa at pakikiramay sa kanila.


As of this writing, wala pang inilalabas na detalye sina Angel sa pagyao ng kanyang ama. For sure, devastated si Angel, kasi alam naman sa showbiz kung gaano nito kamahal ang kanyang ama.


Nagpadala rin kami ng mensahe ng pakikiramay sa uncle ni Angel at manager ni Tony Labrusca na si Mario Colmenares.


Ang aming taos-pusong pakikiramay kay Angel at mister niyang si Neil Arce, pati na sa buong pamilya nila.



NAKATAKDANG ipalabas sa Netflix Philippines ang nakakatakot na action drama na Crosspoint sa direksiyon ni Donie Ordiales sa Marso 13, 2025, kasunod ng matagumpay na theatrical release nito.


Isang nakakahimok na collaboration sa pagitan ng Pilipinas at Japan, ang pelikula ay pinagbibidahan ng award-winning Filipino actor na si Carlo Aquino, na nakilala sa Whispers in the Wind (WITW), at Emmy-nominated Japanese actor na si Takehiro Hira, na kinilala para sa kanyang pagganap sa Shogun.


Desperation brings people to the most unexpected crossroads. Sinusundan ng Crosspoint si Manuel Hidalgo (ginampanan ni Carlo Aquino), isang dating-promising Filipino actor na naninirahan ngayon sa anino ng Tokyo, na pinilit na gumanap nang ilegal sa mga Filipino pub upang mabuhay. 


Nagpupumilit na takasan ang kanyang nakaraan, nagkrus ang landas nila ni Shigeru Yamaguchi (played by Takehiro Hira), isang dating construction manager na nalulunod sa utang at panghihinayang.


Nilaliman ni Carlo Aquino ang kanyang mga personal na karanasan para tunay na gumanap bilang Manuel Hidalgo, na sumasalamin sa mga hamon na kinakaharap ng maraming Overseas Filipino Workers (OFWs).


The film boasts a powerhouse cast including Sho Ikushima, Sarah Jane Abad, Dindo Kurosawa, Kei Kurosawa, I Yama Arroyo Arianne, Polo Ravales, Zeppi Borromeo, Misa Shimizu, at Rie Shibata.


Philippines-based Fire & Ice Media has successfully sold the Asia Pacific rights for Crosspoint to Netflix in a major deal secured during the Asian Contents & Film Market (ACFM) in Busan. 


This strategic move highlights the growing demand for high-quality Filipino cinema on international streaming platforms.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page