- BULGAR
CEDRIC, TINAWAG NA SERIAL RAPIST SI VHONG
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 22, 2022

Nagulat ang mga Marites sa muling paglutang ng businessman at ama ng anak ni Vina Morales (Ceana) na si Cedric Lee kaugnay ng pagkaka-detained ni Vhong Navarro sa Detention Center ng National Bureau of Investigation sa Taft Avenue, Manila City last Monday.
Sina Cedric at Deniece Cornejo ay magkasama sa grupo na sinampahan ni Vhong ng kasong serious illegal detention dahil sa pambubugbog at pangingikil diumano sa TV host-comedian.
Ang naturang kaso ay patuloy pa ring dinidinig sa korte.
Feeling convicted umano si Cedric sa pagkaka-detained ni Vhong dahil sa kasong rape, batay sa ipinadalang statement nito sa ABS-CBN News.
Mabigat ang mga sinabi ni Cedric kontra kay Vhong sa naturang statement. Bukod sa feeling vindicated siya, inakusahan pa niya si Vhong na isang “serial rapist.”
"This serial rapist will finally be made to answer for all the women he raped. He can't hide anymore behind De Lima who's now in jail, or Calvento who's now dead, or ABS who lost its franchise. His modus operandi of being a serial rapist will now be exposed,” pahayag ni Cedric sa ABS-CBN News.
Ini-reveal din ni Cedric na siya mismo ang tumanggap ng kopya ni Deniece ng warrant of arrest ni Vhong para sa kasong Acts of Lasciviousness last Monday.
Nasa out-of-town daw kasi si Deniece kaya si Cedric ang in-authorize nito na tumanggap ng kopya niya ng warrant of arrest ni Vhong.
Nakakaintriga naman ang comment ng netizen sa paglantad muli ni Cedric sa Vhong-Deniece court case.
“So, you know who really is the mastermind.”
Sa isang showbiz tsikahan naman ay may nabanggit tungkol sa nilapitan daw ni Cedric na malalakas sa gobyerno.
True kaya ito?