top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Cebu, pakay ang giant miracle sa 3X3 Hong Kong

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 26, 2022



Hahanap ng higanteng milagro ang Cebu Chooks sa pagsalang nila ngayong Sabado sa 2022 FIBA 3x3 World Tour Hong Kong Masters sa Victoria Park. Hindi bababa sa kampeonato ang kailangan ng mga pambatong Pinoy upang mapabilang sa Grand Finals sa Abu Dhabi ngayong Disyembre, hindi imposible hanggang tumatalbog ang bolang bughaw at dilaw.


Agad haharapin nina Mark Jayven Tallo, Brandon Ramirez, Mike Harry Nzeusseu at Marcus Hammonds ang numero unong koponan ng daigdig at pamilyar na kalaro Ub Huishan NE ng Serbia simula 1:50 p.m. sa Grupo A. Ito ang magiging ika-apat na nilang pagkikita ngayong taon at kahit palaging bigo, lalong nagiging dikit ang laban lalo noong huli nilang tapatan sa Riyadh Masters noong Nob. 11 na nagtapos sa iskor na 17-11.


Babalik ang Cebu sa 5:50 p.m. para sa Ulaanbaatar MMC Energy ng Mongolia. Sa nag-iisa nilang pagkikita sa Ulaanbaatar Super Quest noong Mayo ay nanaig ang Mongolians, 21-10, subalit nagpakita ang mga Filipino na kaya nilang sabayan ang iba pang mga koponan ng Mongolia na siyang numero unong bansa sa Asya sa 3x3.


Walang iba kundi ang kasalukuyang nangungunang 8 koponan sa World Tour ay kalahok sa Hong Kong kaya masasabi na ito ay pasilip para sa Grand Finals. Selyado na ang 11 sa 12 tiket para sa Ub at Liman Huishan NE ng Serbia, Antwerp ng Belgium, Riga ng Latvia, Amsterdam at Antwerp ng Netherlands, Vienna ng Austria, Sakiai Gulbele ng Lithuania, Ulaanbaatar at Princeton at Omaha 3Ball ng U.S.


Nasa ika-12 ang Lausanne ng Switzerland na may 173 puntos subalit hindi sila kalahok sa Hong Kong. Kung magiging kampeon ang Cebu Chooks, gagawaran sila ng 100 puntos at lalagay sa 76 puntos at lalampasan ang mga Swisso para sa huling upuan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page