top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Cebu FC, manghahablot ng liderato vs. Mendiola sa PFL

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 01, 2023




Mga laro ngayong Sabado – PFF National Training Center

4:00 PM Mendiola 1991 vs. Dynamic Herb Cebu


Susubukang agawin ng rumaragasang Dynamic Herb Cebu FC ang liderato ng 2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways sa pagharap nila sa Mendiola FC 1991 ngayong Sabado sa Philippine Football Federation (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite. Sisipa ang aksiyon simula 4 p.m.


Nasa gitna ang Gentle Giants sa apat na sunod-sunod na panalo. Kagagaling nila sa 2-0 tagumpay sa Maharlika FC Manila noong Miyerkules sa parehong palaruan sa likod ng mga goal nina Rintaro Hama at Daniel Gadia.


Dalawang puntos lang ang lamang ng nagpapahingang numero uno Kaya FC Iloilo na may 42 mula sa 14 panalo at tatlong talo. May 40 puntos ang Cebu mula sa 12 panalo, apat na tabla at isang talo at gagawin nila ang lahat na mauwi ang buong tatlong puntos kung magwawagi.


Mabigat na paborito ang Gentle Giants na walisin ang apat na tapatan nila kontra sa Brave Men sa pambansang liga. Nagtala ang mga Cebuano ng mga iskor na 7-1, 6-2 at 1-0 sa unang tatlong pagkikita.


Para sa Mendiola, nais nilang tapusin ang nalalabing laro ng positibo at umangat mula sa kanilang anim na puntos buhat sa dalawang panalo at 13 talo. Malaking suliranin ang kanilang depensa na namimigay ng 3.4 goal bawat laro na pinakamataas sa PFL.


Ang kampeon ng PFL ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2023-2024 AFC Champions League na magsisimula ngayong Setyembre. Sa ngayon, ang karera para sa nag-iisang tiket sa ACL ay sa pagitan ng Kaya at Cebu at ang magtatapos ng pangalawa ay ipapadala sa 2023-2024 AFC Cup na sa Setyembre din gaganapin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page