top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Cayetano, ‘wag matakot sa imbestigasyon kung wala talagang itinatago, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 21, 2020



KUNG MAKA-REACT ANG MALACAÑANG SA #NASAANANGPANGULO PARANG MAGUGUNAW NA ANG MUNDO—Dinipensahan ni Presidential spokesman Harry Roque si P-Duterte kaugnay sa national address nito na nahaluan ng mga banat kay Vice-Pres. Leni Robredo.


Aniya, nasanay ang mamamayan sa estilo ng pangulo at patunay daw riyan ang marka ng Pulse Asia na 91% approval rating sa Pangulo.


Sa 91% approval rating na ‘yan na ibinida ni Roque ay 5% pa ang undecided, kaya’t lumalabas na 4% lang ng Pinoy ang naki-trend sa #NasaanAngPangulo pero ang nakapagtataka, kung makapag-react ang mga taga-Malacañang ay parang magugunaw na ang mundo, boom!

◘◘◘

PAGTULONG DAPAT ANG ATUPAGIN NG GOV’T. HINDI PAG-POKUS SA TWEET NG ROBREDO SISTERS—Tirada ni Roque, base raw sa nakita nilang tweets sa Twitter ng mga anak ni VP Leni ay sangkot ang mga ito sa nagpa-trend sa social media ng #NasaanAngPangulo.


Hay nako, imbes na ang tutukan ng gobyerno ay pagtulong sa mga kababayan nating hanggang ngayon ay apektado ng magkasunod na Bagyong Rolly at “Ulysses” ang tinutukan ay ang mga tweet sa Twitter ng Robredo sisters, buwisit!

◘◘◘

KUNG WALANG ITINATAGO, WALANG DAPAT IKATAKOT SI CAYETANO—Hinamon ni dating Speaker Alan Cayetano, head ng Philippine Sea Games Organizational Committee (Phisgoc) na siyang namahala sa 2019 SEA (Southeast Asian Games), si Sen. Rosa Hontiveros na nagsusulong na imbestigahan ito (Phisgoc), na mag-resign ang senadora kapag napatunayang walang naganap na katiwalian dito.


Ganito lang ‘yan, kung wala talagang katiwaliang ginawa ang Phisgoc, hayaan ni Cayetano na umusad ang imbestigasyon at wala siyang dapat ikatakot, period!


◘◘◘


SABLAY ANG BANTA NI P-DUTERTE NA TANGGALAN NG PONDO ANG UP—Banta ni P-Duterte, tatanggalan niya ng pondo ang UP (University of the Philippines) dahil sa paglahok ng mga estudyante nito sa panawagang academic break kaugnay sa isyung kapabayaan ng gobyerno sa pagharap sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic at mga kalamidad.


Sablay ang sinabing ‘yan ni P-Duterte, kasi hindi naman sa sariling bulsa niya nanggagaling ang pondo ng UP, kundi sa tax ng mamamayan kaya’t wala siyang “K” tanggalan ito ng pondo, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page