top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Cassy, knows mo ba 'yan? DARREN, UMAMING 'DI KASUNDO ANG PARENTS

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 1, 2022


Naging emosyonal si Darren Espanto habang iniinterbyu ng mga momshies nang mag-guest ito sa morning show ng Kapamilya channel na Magandang Buhay hosted by Melai Cantiveros, Jolina Magdangal and Asia’s Songbird Regine Velasquez last Wednesday.


Pero walang kinalaman sa pag-iyak ni Darren ang tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Cassy Legaspi, ha?


Hindi napigilang umiyak ni Darren dahil ang topic ay tungkol sa relasyon ng kanyang mga magulang na sina Lyndon at Marinel Espanto na parehong nagtatrabaho bilang nurse sa Canada.


Inamin ni Darren sa Magandang Buhay na may misunderstandings sila ng kanyang parents. May pagkakataon daw na talagang 'di sila nagkakaintindihan.


Pahayag ni Darren sa MB, "Siguro, I promise to keep trying to make you proud always, and I promise not to be a disappointment too often. Kasi siyempre, nandoon na po tayo sa edad na may mga gusto ka ring gawin. Na minsan, hindi tugma sa kagustuhan ng mga magulang natin.


Pero it’s a part of life. Depende rin 'yun, I guess, sa sitwasyon n'yo sa bahay, sa relationship mo sa magulang mo."


Pero wish ni Darren sa kanyang mga magulang na makita pa rin ng mga ito ang singer noong bata pa siya at bago lumipad papuntang Pilipinas.


"Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever. Siguro, may mga times lang na may gusto akong gawin para sa sarili ko. Pero siyempre, as a parent, hindi n'yo matatanggal sa magulang natin 'yung mag-alala or hindi n'yo matatanggal 'yun, lalo na sa mga ina, sa mga momshies. Iba 'yung pag-worry nila sa atin," pahayag pa ni Darren sa Magandang Buhay."


Basta pramis ni Darren sa kanyang mga magulang is to always make them proud and not to be a disappointment.


Noon pa man ay sa Canada na based ang family ni Darren. At sa pagkakaalam namin, bago pa man siya sumali sa The Voice Kids Philippines ay may mga fans na rin talaga siya sa Canada.


From then on, nagpapabalik-balik sa 'Pinas at Canada si Darren.


Ngayon ay sa 'Pinas na naninirahan si Darren. At siyempre, tumangkad at nagbinata na siya at medyo marami nang ganap sa buhay. Isa na d'yan ang kanyang love life, kaya nagiging less na ang bonding time or tsikahan nila ng kanyang parents. What more kung nasa abroad pa ang parents, 'di ba?


Hopefully, walang kinalaman si Cassy sa sigalot between Darren and his parents. Hindi naman siguro "nakakaabala" si Cassy sa relasyon ni Darren sa kanyang mga magulang.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page