Casimero inilampaso si Nery, Llover nabigo sa world elims
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 7, 2026

Photo: Nang-asar pa si John Riel Casimero sa kalaban matapos ilampaso si Luis Nery ng 5 beses sa laban nila na nagtapos sa round 4. (solidcasimerofbpix)
Pinatunayan ni dating three-division world champion John Riel “Quadro Alas” Casimero na nararapat lamang itong katakutan ni undisputed at undefeated Japanese boxer Naoya “The Monster” Inoue matapos na tapusin lamang sa fourth round si dating world titlist Luis “Pantera” Nery ng Mexico, habang nalasap ni boxing rising star Kenneth “The Lover Boy” Llover ang kanyang unang pagkatalo laban sa mas matangkad na si American Michael Angeletti sa world title eliminator bisa ng 12-round split decision kahapon sa Aichi Sky Expo sa Tokoname City, Japan.
Maagang binitiwan ni Casimero ang kanyang mabigat na mga suntok para pabagsakin si Nery ng tatlong beses sa first round, habang sinundan ito ng tig-isang knockdown sa second at third round, bago tuluyang tapusin sa 42 segundo ng fourth round matapos ipatigil ni referee Nobuto Ikehara ang sagupaan kasunod ng malutong na left hook sa mukha.
“Promoter ko na ‘yung bahala, kase alam naman niya kung sino ‘yung gusto ko, pero yung tagumpay ngayon, alam nyo kung bakit natakot sa akin si Naoya Inoue, that’s why,” bulalas ni Casimero matapos ang laban, na lubos na pinasalamatan ang kanyang promoter na si Koki Kameda. “Hindi biro yung mag-promotion ng ganito tapos big event na magpalaban ng mga big fights at world class.”
Magkasunod na tagumpay ang kinamada ng 37-anyos mula Ormoc City, Leyte matapos pabagsakin nito si Tom Mizokoshi noong Disyembre 27 sa parehong lugar para makamit ang back-to-back na panalo matapos mabigo laban kay Kyonosuke Kameda sa kanyang comeback fight sapol ng isang taong suspensiyon mula sa Japanese Boxing Commission





Comments