Carry Over sa WTA target ng mga karerista
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 25, 2022
Ilalarga ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ang pitong races ngayong araw para mapasaya nito ang mga kareristang nais maglibang habang nasa bahay.
Mapapanood sa website at facebook page ng karera ang lahat ng laban at inaasahang nag-aral mabuti ang mga karerista upang masapol ang mga carry over sa winner take all (WTA), Pick 6, Super 6 at Pantafecta.
Paglalabanan ng mga karerista ang carry over na P452, 786.04 sa winner take all na magsisimula sa Race 1. May carry over na P14,797.06 sa Super 6 habang P8,752.23 naman ang sa Pentafecta, parehong sa unang race din paglalabanan ang nasabing premyo.
Tiyak na mahihirapan pumili ang mga karerista dahil 14 kabayo ang kanilang pagpipilian sa distansiyang 1,500 meter race. Ang mga kalahok ay sina Abel Iloko, Elite Dominator, Mount Amandiwing, Jean Genie, Commodora, Batang Madrid, Birthright, Ava's Tale, Money For Biffany, Kingwash Budget, Barrio San Jose, Miss Marshall, Adorable Felicia at Amelia.
Posibleng makakuha ng maraming suporta sa mga liyamadista ang kalahok na sina Abel Iloko at Elite Dominator. Ikakalat ang added prize na P25,000 sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P5,000 ang winning horse owner.
Samantala, makikilatis ang tikas ni Sun Moon Lake sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Rerendahan ni jockey Po Refe, makikipagtagisan ng bilis si Sun Moon Lake kontra anim na kalahok sa distansyang 1,400 meter race.
Inaasahang magiging mahigpit na karibal ni Sun Moon Lake sina Bisyo Mag Serbisyo at Devoted ayon sa ibang mga karerista na nagkomento sa social media.
Makikipagtagisan ng bilis ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Joyful Princess, Che Che, My Boy Lolipop at Aroma. Nakalaan naman ang added prize na P10,000 para sa mananalong 3-year-old.
Samantala, pitong races ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Abel Iloko (1), Amelia (14), Birthright (7)
Race 2. Sun Moon Lake (1), Bisyo Mag Serbisyo (5)
Race 3. Magat Salamat (10), Action Rules (1), Star Of Kidapawan (2)
Race 4. Amaretto Sour (8), Union Run (7), Seychelles (6)
Race 5. Reliable Den (6), Anino (4)
Race 6. Rodrigo (12), Space Jam (4), Princess Isabelle (8)
Race 7. Diwalwal/Bahandi (4/4A), Triple Track/National Treasure (2A/2), Medaglia D' Amor (3)
Patok - Sun Moon Lake
Pandehado - Rodrigo





Comments