top of page

Carry Over sa WTA, Quartet at Pentafecta sa MMTCI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2021
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | January 9, 2021



Aalagwa ngayon ang tatlong carry over sa Winner Take All (WTA),Quartet at Pentafecta sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas sa karerang naganap ngayong araw.


Sa simula ng karera sa Race 1 magaganap ang carry over na P288,969.23 sa WTA, na may halagang P63,548.11 sa Quartet at sa Pentafecta na halagang P49,090.62.


Sa race 1, apat na kabayo ang napupusuan kong tayaan at ito ay ang Marino ng Tanglaw (6), Batas Kamao (8) Jack of Club (1) at Irena Smile (11). Sa race 2 magaganap ng carry over sa Super Six na P3,438,53 at pinapaboran ang Smiling Lady ay Boy Paradise (II).


Sa Race 3, nakalalamang ang Macabebe (II) makakalaban ang Kid Kenshin at race 4 nakalalamang ang Star of Lucena (14) habang makakalaban ang Tontoneeto (9).


Sa race 5 panolo ang The Believer habang sa race 6 ay nakalalamang ang Born to Run at makakalaban ang Namayan. Sa race 7 nakalalamang ang AP Factor at makakalaban ang This Time at Union Run.


Sa race 8 ipinapatok ang Tiger Boy at para sa forecast subukan ang Summa Cum Laude(3) at sa race 9,napipisil ko ang Celebrity (12) at panegunda ang Daldalero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page