top of page

Carry Over ng higit P1-m sa WTA sa SLLP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 16, 2021
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | January 16, 2021



Nakataya ngayon ang carry over na halagang mahigit P1 milyon sa Winner Take All (WTA) at Pick 6 na halagang mahigit P.5 milyon sa karerang magaganap sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.


Kasabay nito paglalabanan din ang carry over sa Pentafecta na halagang P4,870,79 at Super Six sa halagang P4,178.73. May P1,068,I62.67 ang paglalabanan sa WTA sa race 1 kasabay ng carry over ng pentafecta at Super Six.


Sa race 2, ang simula naman ng Pick-5 at ipinapatok ang Bitcoin at race 3 na puwedeng lumagay sa Macabebe, makakalaban ang Smart Tyler at Amiga.


Dumako tayo sa race 4 kung saan magaganap ang carry over sa Pick 6 na halagang P555,514.85 pinapaboran ang Song for Tata, makakalaban ang A Song for Gee at Amiga. Sa race 5,nakalalamang ang Great Year,panguna naman ang No Problem at Happy Julienne. Sa race 6 maganda ang laban at masusubukan ngayon ang Our Tito na galing sa barrier, mahigpit na makakalaban ang Righteous Ruby at couple entry na change the Racer at Jayz.


Sa race 7 nakakalamang ang Action Rules at makakalaban ang Bato, sa race 8 naririyan ang Ashley’s Gift, makakalaban ang Aida’s Favorite at Fruit Pebbles, Sa race 9 ipinapatok ang In The Zone.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page