CARMINA, NAKIKITA ANG ANAK NA SI CASSY KAY JILLIAN
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 27, 2022

First day pa lang noon ng seryeng Abot-Kamay na Pangarap ay magaan na raw ang loob ni Carmina Villarroel kay Jillian Ward, ang gumaganap na anak niya sa serye.
Para raw kasing nakikita niya ang kanyang anak na si Cassy kay Jillian. Magalang din ito at malambing. Para raw talagang mag-ina sila kapag magkaeksena.
Marami na ring nakatrabahong young stars si Carmina sa mga serye niya noon sa GMA-7, pero iba ang pakiramdam niya nang magkatrabaho sila ni Jillian Ward.
Naging komportable sila sa isa't isa at naging madali para sa kanila na gawin ang mga eksena.
Patuloy na tumitindi at umiinit ang mga kaganapan ngayon sa Abot-Kamay na Pangarap dahil may malaking sikreto na mabubunyag.
Handa na ba si Dra. Analyn Santos (Jillian) na malaman na si Dr. TJ Tanyag (Richard Yap) ang kanyang ama?
Aalisin na ni Lyneth (Carmina) sa Apex Hospital si Analyn upang hindi matuklasan ang kanyang sikreto.





Comments