top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

CARMINA, DIRETSAHANG TINANONG SI LIANNE SA NAGING RELASYON KAY ZOREN

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 5, 2023




Hindi lang sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang magba-bonding sa La Union dahil kasama nila ang kani-kanyang pamilya na aalis today (Wednesday) for a short vacation.


Kaya bonding ng two families ang mangyayari, makikilala ng mga Legaspi at Alcantara ang isa't isa.


Hindi naman daw magbabantay kina Mavy at Kyline ang kanilang mga parents dahil good boy at good girl ang dalawa at saka sa ibang cottage sila mag-i-stay.


Maganda nga ang naisip nina Mavy at Kyline na isama ang mga parents nila sa kanilang bakasyon para hindi lang sila ang mag-enjoy kundi pati paryentes nila.


And speaking of Carmina, biniro nito si Lianne Valentin at tinanong kung totoong nagkarelasyon sila ni Zoren Legaspi?


Kita ang pagkagulat ni Lianne at na-relax lang siya nang banggitin ni Carmina ang "Sa show."


Gumanap kasing magkarelasyon ang dalawa sa seryeng Apoy sa Langit ng GMA-7.


Nang mahimasmasan si Lianne at nakitang nagbibiro lang si Carmina, "Sa show po, opo," ang sagot niya.


Dagdag ni Carmina, kung sa totoong buhay ay nagkaroon ng relasyon ang dalawa, baka ipa-guest niya kay Boy Abunda si Lianne.


Sa ngayon, patuloy na napapanood si Carmina sa hit afternoon drama series na Abot-Kamay na Pangarap kasama sina Jillian Ward at Richard Yap, Pinky Amador, Kazel Kinouchi at Dominic Ochoa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page