top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

CARMINA AT ZOREN, MAS BOTO KAY DARREN PARA KAY CASSY, KYLINE, INAYAWAN PARA KAY MAVY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 7, 2024



Bilang mga magulang, tama lang ang ginagawa nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na paggabay at pagbibigay ng payo sa kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy. 


Hindi naman sila matatawag na kontrabidang parents na nakikialam sa love life ng kanilang mga anak. Gusto lang nila na makasiguro na tamang tao ang mamahalin nina Mavy at Cassy at hindi sila masasaktan. ‘Yun ang nais ipaintindi at ipaunawa nina Carmina at Zoren sa kanilang kambal na anak.


Break na sina Mavy at Kyline Alcantara. May tsikang inalmahan daw ni Carmina ang balitang battered boyfriend si Mavy.


Samantalang si Darren Espanto naman na “special friend” ni Cassy ay tanggap nina Carmina at Zoren dahil mabait at magalang, kaya nakakadalaw ito sa kanilang bahay.


Pero ang payo nina Carmina at Zoren kay Cassy ay ‘wag magmadali sa larangan ng pag-ibig. Mas makabubuting sa career muna sila mag-concentrate ni Darren.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page