top of page
Kim Chiu - IG.jpg

CARLOS, NAPATAWAD NA RAW ANG MADIR PERO 'DI NAKIKIPAGBATI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Sep. 26, 2024



Showbiz News

Marami sa mga nakapanood ng guesting nina Carlos Yulo at Chloe San Jose sa Toni Talks ni Toni Gonzaga ang nagsabing nawalan ng saysay ang pagbibigay ni Caloy ng kanyang side sa mga akusasyon sa kanya ng mga bashers. 


Sa halip kasi na maintindihan siya ng publiko, lalo lang siyang nadiin. May angas kasi ang manner ng pagsasalita at pagpapaliwanag ni Carlos na tipong nahawa na sa paraan ng pagsagut-sagot ng GF niyang si Chloe San Jose. 


Matigas pa rin ang kanyang puso at hindi niya maitatanggi na siya ang nagkulang at nagkamali. 


Tama ba namang sabihin niyang napatawad na niya ang kanyang inang si Angelica Yulo? Ano ang naging kasalanan sa kanya ng ina? Hindi ba’t si Caloy ang nagbintang at nagsabing magnanakaw at sinungaling ang kanyang ina? 


Kawalan ng respeto ang ginawang ito ni Carlos, kaya maraming nanay ang nadismaya sa kanyang inasal. 


Maayos naman na naipaliwanag ni Angelica Yulo na intact ang pera ng anak na si Caloy sa bangko, at kung may nagastos man siya sa mga dating kinita ng anak, ‘yun ay ibinili ng bahay sa Cavite na para rin kay Carlos. 


Ngayon ay balak nang ibenta ng mga Yulo ang bahay para maibalik kay Carlos ang kanyang pera.



EXCITED at hindi nape-pressure ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa bago niyang movie na Uninvited


Powerhouse kasi ang cast ng pelikula at makakasama niya rito ang magagaling na artista tulad nina Aga Muhlach, Tirso Cruz III, Nadine Lustre, Mylene Dizon, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, atbp.. 


Suspense thriller ang Uninvited, kaya kakaibang atake ang gagawin ni Vilma sa kanyang dual role bilang Lilia at Eva. 


Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Dan Villegas. Nakapag-shoot na ang Star for All

Seasons at all-out ang acting na ibibigay niya dahil ibang-iba ang kanyang character na gagampanan.


Well, kakaiba rin ang role ni Aga Muhlach, kaya tiyak na ikagugulat ito ng kanyang mga fans.



MARAMI ang humahanga ngayon sa pole vaulter na si EJ Obiena dahil sa kanyang pahayag na hindi siya mag-eendorso ng produktong alak, sigarilyo o anumang may kinalaman sa sugal. 


Hindi ito makakabuti sa mga kabataan ngayon, kaya tama lang na si EJ Obiena ang pinili ng MILO Philippines bilang endorser ng kanilang chocolate drink na mabuti sa kalusugan ng mga bata at young athletes. 


Maging ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ay pinaiinom daw ng nanay niya ng Milo, kaya ganoon din ang ipinaiinom niya sa kanyang mga anak. 


Bagama’t hindi nagkamit si EJ ng gold medal sa Paris Olympics, maraming kabataan ang umiidolo sa kanya at pinagkakaguluhan siya kahit saan magpunta. 


Sa kabilang banda, si Carlos Yulo na two-time gold medalist ay mukhang inayawan na ng kabataan dahil sa kawalan niya ng respeto sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ina. 


Naikukumpara rin ang nobya ni EJ na si Caroline Joyeux, isang German national na aktibo sa pagtulong sa paglilinis ng Manila Bay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page