CARLA, PRANING NA PRANING NA MAY PAPATAY SA KANYA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 15, 2022

Maraming netizens ang labis na nagtaka nang mapanood si Carla Abellana na nag-aaral ng target shooting.
Ano raw ba ang dahilan at naisipan ng Kapuso actress na mag-aral bumaril? May banta ba sa kanyang buhay? May dapat ba siyang ipag-alala sa kanyang kaligtasan?
Bukod sa pag-aaral bumaril, balita rin na may personal bodyguards na si Carla kapag may mga events na dadaluhan.
Well, para sa iba, hindi kapani-paniwala na may nagtatangka nang masama sa aktres.
Hindi rin naman siguro gagawin ito ng kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez na kasalukuyang nasa Amerika.
Bakit praning na praning si Carla Abellana na nag-iisip agad na may nagtatangka na gawan siya nang masama?
Makakabuti nga siguro kung bibigyan na uli siya ng GMA Network ng serye upang meron siyang pagkaabalahan. Iwanan muna niya at kalimutan ang masakit na chapter ng kanilang paghihiwalay ni Tom Rodriguez at magsimulang muli ng bagong buhay.





Comments