top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

CARLA, PINATAHIMIK ANG PADIR NA SI REY PJ SA HIWALAYAN NILA NI TOM

BULGAR
Mar 13, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 13, 2022




Nagsalita na ang nananahimik na ama ni Carla Abellana, ang aktor na si Rey ‘PJ’ Abellana, sa maingay na hiwalayang Carla at Tom Rodriguez.


Guest si PJ sa Cristy Ferminute, ang radio program ni Cristy Fermin, para mag-promote ng pelikulang Mamasapano kung saan kasama siya.


Nagkaroon ng chance na itanong ni 'Nay Cristy sa actor ang rumored separation ng mag-asawa.


Tanong ni 'Nay Cristy, "Rey, nu'ng una mong malaman, pagkatapos ng magarbong kasal, naghiwalay si Tom at si Carla, ano'ng naramdaman mo?"


Sagot ng beteranong aktor, “Ah, 'Nay, siyempre ako mismo, bilang partikular na isa akong magulang, talagang malaking gulat sa 'kin 'yun. Agad na minessage ko ang anak ko na si Carla na pilit kong alamin kaagad kung bakit. Sabi ko, nakarating na sa 'kin, may lumabas na issues tungkol sa ganito-ganu'n sa inyong dalawang mag-asawa."


Dagdag pa ni Rey, nag-send daw siya ng text kay Carla pero 'di agad ito nag-reply kaya ru'n pa lang, naramdaman niyang totoong may issue ang dalawa.


After a few days, nag-text na raw si Carla na ang sabi, "Tom and I now are not okay.


Anyway, Papa, we would like people to respect, give us the respect na i-settle muna namin itong personal na bagay by ourselves. Pakiusap, Papa, na as much as possible, 'wag na lang muna tayo magsalita sa press dahil baka mag-iba-iba pa ang issue."

Pero nilinaw ni Rey na wala siyang sinasabing hiwalay na ang mag-asawa.


“Hindi ko pa po sinasabi na hiwalay 'yung dalawa. Ang point ko dito po, ang sinasabi ko lang po na kung anuman 'yung problema nilang mag-asawa ay sine-settle po nila muna.”


Ikinuwento rin ng aktor na unang nag-reach out sa kanya si Tom.


“Yes, 'Nay. Honestly, nakausap ko na si Tom. Nagkusa po one time si Tom na mag-message sa akin na kung puwedeng magkita kami, pumunta siya rito sa akin sa bahay at para magpaliwanag po siya ng side niya sa akin.


"So, nagawa na po namin 'yan, 'Nay, pero hindi ko pa rin sinasabi na hiwalay 'yung dalawa o may judgment na po ako dito sa sitwasyon nila. Hindi ko pa rin po masabi dahil po ang narinig ko pa lang na side ay 'yung kay Tom. Honestly, kung sino pa ang anak ko, siya pa 'yung hindi ko nakakausap pa o naririnig 'yung side niya.”


Ang sabi naman ni 'Nay Cristy kay Rey, “Ganu'n daw ang magulang, last to know."

Kayo, mga ka-BULGARY, what do you think? Hiwalay na nga ba sila?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page