CARLA, KUMPIRMADONG MAY BAGO NA
ni Nitz Miralles @Bida | September 25, 2023

Agad nahulaan ng mga netizens kung sino ang aktres na tinukoy ng All Access to Artists o AAA sa teaser nilang… “A goddess is coming...” dahil ang teaser ay may kasamang blurred photo ng aktres na walang iba kundi si Carla Abellana.
Bago pa kasi ilabas ng AAA ang teaser, nabalitang sa kanila na lumipat ng management company si Carla.
Bukas na nga ang balitang pagpirma ng kontrata ni Carla sa All Access to Artists at malalaman natin mula mismo sa kanya at sa bago niyang management company ang mga bagong aabangan sa kanya. Malalaman din kung totoo ang balitang lilipat ng network si Carla.
Sa kanyang Instagram, may mga posts si Carla na para sa mga nakabasa, may double meaning daw, gaya ng “Change is constant,” na para raw ang ibig tukuyin ni Carla ay ang kanyang paglipat.
May mga nag-comment nga na kung totoong lilipat si Carla ng network, baka ang Stolen Life na ang maging last project niya sa GMA-7. Balik-tambalan sila ni Gabby Concepcion at kasama nila si Beauty Gonzalez.
Anyway, malalaman natin kay Carla at sa AAA kung ano ang totoo sa mga bali-balita na pinag-uusapan na online.





Comments