CARLA, 'DI MASASAPAWAN NI BEA SA PAG-ARTE
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 21, 2024

Nananatiling Kapuso si Carla Abellana dahil muli siyang pinapirma ng kontrata ng GMA Network.
Buung-buo pa rin ang tiwala kay Carla ng mga big bosses ng network dahil isa ang aktres sa mga pambato bilang dramatic actress ng GMA-7.
Hindi nila hahayaan na mapirata ng ibang network si Carla kapalit ng pagiging loyal Kapuso nito.
Magaganda ang mga projects na ibinibigay kay Carla ng GMA-7. Pagkatapos ng Stolen Life, magkasama naman sila ni Bea Alonzo sa power house cast ng Widows War.
Tiyak na magtatagisan sila ni Bea sa mga dramatic scenes, dahil parehong magaling na artista sina Bea at Carla.
Magkaiba man sila ng atake sa kanilang character, walang dapat na ipag-alala ang mga fans ni Carla dahil hindi siya basta masasapawan ni Bea.





Comments