Cargo plane mula Davao, campaign materials ni Mayor Sara ang laman imbes na ayuda
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 10, 2021
FEELING NG MGA DDS CAMPAIGN PERIOD NA, KAYA KAHIT NANANALASA PA ANG DELTA VARIANT AY NANGANGAMPANYA NA SILA PARA KAY MAYOR SARA --Matapos mabulaga ang publiko sa mga naglalakihang billboard at tarpaulin ni Mayor Sara Duterte-Carpio na may nakasaad na "SaraAll" ay may nag-viral na video sa Davao City International Airport tungkol sa isang cargo plane na kinakargahan ng mga campaign materials para sa pagtakbong pangulo ng presidential daughter at pagkaraan ay nabalitang naglunsad naman ng motorcade ang mga DDS mula Ormoc City hanggang Matag-ob, Leyte na nananawagan ng "Run Sara Run."
Mantakin n'yo, sa October 2021 pa ang filing ng candidacy at next year pa start ng campaign period para sa halalang 2022, pero 'tong mga DDS nagsisimula nang mangampanya para kay Mayor Sara for president.
Dapat isalpak ng mga DDS sa kanilang mga kukute na hindi pa panahon ng campaign period ngayon, mga buwisit!
◘◘◘
HINDI PALA RELIEF GOODS, KUNDI CAMPAIGN MATERIALS NI MAYOR SARA FOR PRESIDENT ANG IKINAKARGA SA CARGO PLANE SA DAVAO CITY PATUNGONG PAMPANGA--Noong unang lumabas ang video na may ikinakargang mga kargamento sa cargo plane sa Davao City na patungong Clark International Airport sa Pampanga, akala ng publiko ay relief goods ito para sa mga taga-Pampanga at mga taga-Metro Manila.
Napataas na lang ang kilay ng publiko, nang malaman, base sa pagsasalita ng nag-upload ng video na hindi pala relief goods ang ikinakarga sa cargo plane, kundi campaign materials ni Mayor Sara for president, boom!
◘◘◘
KASUHAN KAYA NI MAYOR SARA ANG MGA DDS NA GUMAMIT NG KANYANG PANGALAN SA PAGKAKARGA NG KANYANG MGA CAMPAIGN MATERIALS SA CARGO PLANE SA DAVAO CITY?--Itinanggi naman ni Mayor Sara na may kinalaman siya sa ginawa ng kanyang mga supporters na nagsakay ng kanyang campaign materials sa cargo plane sa Davao City patunong Clark International Airport sa Pampanga dahil hindi pa naman siya nagdedeklarang tatakbong pangulo, at ang warning ng mayora ay kakasuhan niya ang mga gumagamit sa kanyang pangalan sa panahong ito.
Tuluyan nga kayang kasuhan ni Mayor Sara ang kanyang mga DDS na nag-name drop ng kanyang pangalan sa pagkakarga ng mga campaign materials niya sa cargo plane sa Davao City International Airport? Abangan!
◘◘◘
AKALA NG MGA DDS SI SARA LANG MATAPANG NA BABAENG MAYOR, HINDI NILA ALAM, MATAPANG DIN ANG MAYOR NG SOROSOGON CITY NA NAGPATANGGAL SA BILLBOARD NG ANAK NG PANGULO--Pinatanggal ni Sorsogon City Mayor Ma. Ester Hamor ang ga-higanteng billboard ni Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang nasasakupan kasi ikinabit ito nang walang permiso ng Sorsogon City LGU.
Akala siguro ng mga DDS ay si Mayor Sara lang ang matapang na babaeng mayor kasi hindi nila alam na matapang din ang babaeng mayor ng Sorsogon City at patunay d'yan na walang takot niyang ipinakita sa publiko na pinabaklas niya ang ga-higanteng billboard ng anak ng pangulo, boom!





Comments