Career sa 'Pinas, iniwan… AI AI, NAGTITINDA NG UBE PANDESAL SA TATE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 03, 2022

Nasa North Carolina, USA ngayon ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas kasama ang kanyang mister na si Gerald Sibayan.
At kahit nasa USA ay kumikita si Ai Ai dahil nagbe-bake siya ng kanyang bestseller na ube pandesal.
Maraming Pinoy ang nag-o-order sa kanya ng ube pandesal. Hindi nga lang siya makapag- bake nang maramihan dahil maliit lang ang ginagamit niyang mixer. Mga 100 pcs. a day lang ang nabe-bake niya araw-araw.
Pero, pangako ni Ai Ai ay magbe-bake siya nang marami kapag kumpleto na ang gamit niya.
Well, at least ay nalilibang ngayon sa buhay niya sa North Carolina ang Comedy Queen.
Medyo matatagalan pa sila ru'n ni Gerald dahil itutuloy na nila ang planong magkaanak via IVF method.
Gustung-gusto ni Ai Ai na magkaroon na sila ng sarili nilang anak ni Gerald Sibayan. 'Yun nga lang, maisasakripisyo muna niya ang kanyang showbiz career.





Comments