top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Career, 'di naman daw apektado… JOAQUIN, WA' PAKI SA PAGIGING BINATANG AMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 23, 2022



Nakunan namin ng pahayag ang manager ni Joaquin Domagoso na si Wowie Roxas sa ginanap na grand launch ng streaming app na Juanetworx sa Club Filipino sa San Juan City noong Huwebes.


Isa si Wowie, na kilala rin sa tawag na Daddy Wowie sa showbiz, sa mga producers na magbibigay ng mga pelikula na ipapalabas sa Juannetworx.


“Naku, ayan na. No comment,” panimula ni Daddy Wowie.


Paliwanag niya, “Joaquin is not a matinee idol. He is an actor. Walang mawawala sa kanya.


Bakit si Aga (Muhlach)? Bakit si Piolo (Pascual)?


“Basta magaling ka lang na artista. Saka, iba na ang panahon ngayon. Tanggap na (ng mga tao).


Akala ko nga, baog, eh, hindi pala.”


Inamin din ni Daddy Wowie na siya ang nagsabi kay Joaquin na huwag nang magsalita.


“Wala lang.. ayoko siyang magsalita. Ayoko,” diin niya.


“Wala naman, useless. At saka ang mga fans, hindi naman nagbago. Sinusuportahan pa rin nila si Joaquin. Walang nagbago. Hindi siya naapektuhan. Tuluy-tuloy naman ang trabaho niya.”


Wala rin naman daw love team na dapat protektahan si Joaquin kaya keri lang na may ganyang news tungkol sa anak ni dating Manila Mayor Isko Moreno.


“Si Cassy (Legaspi), kasi may project sila ngayon. After nu'n, iba na naman (ang partner ni Joaquin).


“Hindi siya nakatali sa love team. Kaya natawa nga ako, eh, sa sabi nila, ‘Naku, masisira ‘yung ganyan-ganyan.’ Sabi ko, ‘Hindi.’ Kaso actor siya. Hindi ko siya inano na matinee idol.


Gusto ko mahaba, pang-mahabaan.”


Ayon kay Daddy Wowie, wa' siya kiber sa mga pasabog daw laban sa kanyang alagang si Joaquin.


“Kahit pasabugin nila, wala akong pakialam. Iba na kasi ang ano ngayon, kumbaga, takot ako kung hindi ako nagpo-produce. Alam ko naman na lalabas ang tungkol d’yan. Wala namang natatago, eh.”


'Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page