Carbon copy daw ni Gabby, pero…. SHARON: KC, 'DI GANYAN KAGANDA KUNDI AKO ANG INA

ni Nitz Miralles - @Bida | January 10, 2021

Nakabalik na sina Sharon Cuneta mula sa seven nights na birthday vacation niya at ng kanyang pamilya sa Amanpulo, Palawan. Marami pala ang entourage nina Sharon dahil pinasalamatan nito ang Casitas 1, 2, 3 & 4 kung saan sila nag-stay.
Ipinost ni Sharon ang litrato ng mga anak na sina KC Concepcion, Frankie at Miel Pangilinan at may caption na “Mi tres Marias. Miel is now the tallest in the family next to her dad who is 6ft. tall!”
Sa isa pang picture, kumpleto ang pamilya ni Sharon na nagdi-dinner na ikinatuwa ng mga nagmamahal sa kanila.
May nag-comment ng “Carbon copy ni KC si Gabby” at sinagot ni Sharon ng “Super kamukha. Pero halo kami. 'Di ganyan kaganda 'yang anak ko kundi ako ang mama. Hahaha!” na totoo naman.
Sa nag-comment pa ng “Ganda ni Kayceee,” sagot ni Sharon, “Lahat sila. Iba-iba lang ang ganda,” na totoo naman at sinang-ayunan ng mga netizens.
Kaya raw maganda ang mga anak ni Sharon ay dahil siya ang ina.
Ang daming baong swimsuits ni Sharon sa bakasyon nila sa Amanpulo at makikitang iba’t ibang swimsuits ang suot niya. Confident na talagang magsuot ng bathing suit si Mega, lalo na siguro kapag nabawas pa ang 20 lbs. sa kanya.
Pangako ni Sharon, “I promised myself I would have a full pictorial na in swimsuits when I reach my goal weight,” na hihintayin tiyak ng kanyang mga fans.
May panghihinayang lang si Sharon na dapat daw, bumili siya ng villa noong bago pa ang resort na kanilang pinuntahan nang una silang nagpunta sa Amanpulo noong 1996. Ngayon, wala na yatang available na villa, nabili na lahat.





Comments