Bocaue Rivertown walastik
Updated: Nov 2, 2021
ni Green Lantern- @Renda at Latigo | November 2, 2021
Hindi nasindak si Bocaue Rivertown sa panglulutsa ng magkakamping Main Event at Money For Biffany kaya nasilo nito ang panalo sa 2-Year-Old Maiden Race noong Linggo ng hapon sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City sa Batangas.
Bakbakan sa largahan sina Bocaue Rivertown, Main Event at Money For Biffany makalipas ang unang 200 metro ng laban ay nakuha na ng winning horse ang unahan.
Pero hindi nagpaiwan si Main Event at pinapahirapan nito si Bocaue Rivertown na nasa tabing balya sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon. Bandang huling 100 metro ng karera ay umigkas si Bocaue Rivertown at nanalo ito ng may isa't kalahting kabayo ang agwat sa nasegundong si Money For Biffany. Tersero si Main Event pero dahil couple entry ni Moner For Biffany ay papasok sa pangatlo ang numero dos na si Tangadan Falls.
Sinakyan ni class A rider JA Guce, nirehistro ni Bocaue Rivertown ang 1:12.6 sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ang added prize na P10,000.
Samantala, mapapalaban sina Mommy Caring at Kevlar sa 2021 PHILRACOM "PSA Stakes Race" sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Linggo.
Makakatagisan ng bilis nina Mommy Caring at Kevlar sa walo pang kabayong nagdeklara ng pagsali sa distansyang 1,750 meter race. Sasakyan nina Lester De Jesus at Fernando Raquel sina Mommy Caring at Kevlar ayon sa pagkakasunod, kung saan may nakalaan ng P500,000 guaranteed prize ang nasabing karera.
Ang ibang sasali sa karera na may P300,000 na susungkitin ng mananalong kabayo ay sina Arrabiata, Luke Skywalker, Fiesta Cubano, Shanghai Silk, Money Changer at Tocque Bell.





Comments