top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Cannon Ball mapapalaban

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2021
  • 1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 25, 2021



Makikipagtagisan ng bilis si Cannon Ball kontra apat na katunggali sa Condition Race (24) na ilalarga ngayong Huwebes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Inaasahang magiging liyamado si Cannon Ball bago sila pakawalan sa race 5 sa 1,200 meter race.


Rerendahan ni CM Pilapil, makakalaban ni Cannon Ball sina Black Magic Woman, Keen Alisha, Grand Princess at Spy Glass sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Ayon sa mga karerista, posibleng maging mahigpit na kalaban ni Cannon Ball sina Grand Princess at Spy Glass. Lima lang silang tatakbo pero magandang laban ang mapapanood, tiyak mapapalaban ng todo si Cannon Ball.


Isa rin sa aabangan din ng mga karerista ay ang bakbakan ng anim na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa pang-anim na karera.


Ang mga kalahok ay sina Sunday Surprise, Hello Junior, One More One More, Luyang Cave, Miss Legacy at Gabbi's Great.


Samantala, nagpasikat si Weather Lang nang manalo sa MARHO Breeders' Sprint Race noong Linggo ng hapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Lumabas na tersero si Weather Lang na sinakyan ni JL Paano, habang nagtatagisan ng bilis sa unahan sina Born To Run at Stardust.


Pagsapit ng far turn ay lumalapit na si Weather Lang kina Born To Run at Stardust at saka kumuha ng unahan sa rektahan.


Inilista ni Weather Lang ang :57.8 segundo sa 1,000 meter race sapat upang sikwatin ang premyong P300,000 habang napunta ang P112,500 sa second placer na si Born To Run.


Hinamig ni Stardust ang third prize na P62,500 habang nakopo ni Silab ang P25,000 matapos dumating na pang apat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page