top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Caldwell-Pope, Tatum, Gay at Allen, mga nakabawi

  • BULGAR
  • Apr 19, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 19, 2021




Humugot ng malalim mula sa kanilang mga sandata ang NBA defending champion Los Angeles Lakers at tinalo nila ang numero unong Utah Jazz sa overtime, 127-115, kahapon sa Staples Center. Ginamit ng Lakers ang pangalawang pagkakataon sa overtime at tuluyang iniwan ang Jazz at makaganti sa kanilang 89-114 talo sa una nilang paghaharap noong Pebrero 24 sa Vivint Arena.

Bumida sina Kentavious Caldwell-Pope at Andre Drummond sa pinagsamang 11 ng 17 puntos ng Lakers sa overtime kasabay ng pagkaubos ng lakas ng Utah. Kahit natatalo ng 14 sa simula ng fourth, humabol ang Jazz at inagaw ang lamang matapos ang tres ni Jordan Clarkson na may 9.2 segundong nalalabi, 110-108, subalit naitabla agad ito ni Dennis Schroder, 110-110, para itakda ang karagdagang limang minuto.




Nanguna si Drummond na may 27 puntos at sinundan nina KCP at Schroder na parehong may 25 puntos. Malaking bagay ang pagliban ng mga Jazz All-Star Donovan Mitchell, Rudy Gobert at Mike Conley Jr. kaya napilitang isama si Clarkson sa first five ni Coach Quin Snyder sa unang pagkakataon buhat pa noong Agosto 13, 2020 laban sa San Antonio Spurs sa loob ng NBA Bubble.

Matapos talunin ang Lakers noong isang araw, anim na sunod na ang tagumpay ng Boston Celtics at pinabagsak nila ang Golden State Warriors, 119-114, sa bisa ng mahusay na laro nina Jayson Tatum at Kemba Walkers sa huling 3 minuto. Namuno sina Tatum na may 44 puntos at 10 rebound at Walker na may 26 upang masayang ang 47 puntos ni Stephen Curry galing sa 11 tres.

Sa gitna ng talo ng Jazz, hindi nakalapit sa kanila ang humahabol na Phoenix Suns at nagwagi ang bisitang San Antonio Spurs, 111-85. Binuhay ang Spurs ng mga reserbang sina beterano Rudy Gay na may 19 puntos at rookie Devin Vassell na may 18 puntos.

Depensa ang susi sa 128-115 tagumpay ng bisitang Memphis Grizzlies sa Milwaukee Bucks. Nagsabog ng 26 puntos buhat sa pitong tres si Grayson Allen at sinundan ni Dillon Brooks na may 21.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page