top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Calamian Island, may larga sa Klub Manila

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 28, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 28, 2022


Naghayag ng pagsali ang connections ni Calamian Island sa 2022 Klub Don Juan De Manila na ilalarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.


Si Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce ang nakatokang rerenda kay Calamian Island.


Nakalaan na P1-M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, target ni star jockey Guce na masilo ang premyo na P600,000.


Bukod kay Calamian Island, ang ibang naghayag ng paglahok sa distansiyang 1,800 meter race ay sina Don Julio, Declare For Flare, Kaboom, Marilag at Speed Fantasy.


Ibubulsa ng second placer ang P225,000 habang tig- P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Sisikwatin ng breeder ng winning horse ang P50,000, tig-P30,000 at P20,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Pitong karera ang pinakawalan kahapon ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya nasiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Samantala, maliban sa MMTCI, dalawang clubs lamang ang magpapakarera, ang isa ay ang Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaya naman walang nagawang karera ngayong araw ng Miyerkoles.


Bukas at sa Biyernes ng pakarera ng MJCI habang balik sa pista ng Metro Turf ang karera para sa araw ng Sabado at Linggo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page