Buwis sa ibinentang lupa
- BULGAR
- Oct 1, 2022
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 1, 2022
Dear Chief Acosta,
Nais kong ibenta ang lupa na aking minana sa aking mga magulang. Nais ng aking pinagbentahan nito na ako diumano ang magbabayad ng capital gains tax. Ano ba ito at magkano ang dapat kong bayaran para rito? - Karina
Dear Karina,
Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 24 ng National Internal Revenue Code of the Philippines na ang capital gains tax ay ang buwis na kailangan bayaran kaugnay ng pagbebenta ng real property. Ayon dito:
“Sec. 24. Income Tax Rates. xxx
(D) Capital Gains from Sale of Real Property. - (1) In General. - The provisions of Section 39(B) notwithstanding, a final tax of six percent (6%) based on the gross selling price or current fair market value as determined in accordance with Section 6(E) of this Code, whichever is higher, is hereby imposed upon capital gains presumed to have been realized from the sale, exchange, or other disposition of real property located in the Philippines, classified as capital assets, including pacto de retro sales and other forms of conditional sales, by individuals, including estates and trusts: Provided, That the tax liability, if any, on gains from sales or other dispositions of real property to the government or any of its political subdivisions or agencies or to government-owned or controlled corporations shall be determined either under Section 24(A) or under this Subsection, at the option of the taxpayer.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, kapag nagbenta ng lupa, kailangang magbayad ng capital gains tax dahil ipinagpapalagay ng batas na nagkaroon ng pag-angat sa halaga ng lupa mula nang ito ay bilhin ng may-ari hanggang sa ito ay kanyang ibenta sa iba. Ang ipinagpapalagay na pag-angat sa halaga ng lupa ay itinuturing na gain o kita na dapat patawan ng kaukulang buwis. Alinsunod sa batas, ang capital gains tax ay katumbas ng anim na porsyento (6%) ng gross selling price o current fair market value ng nasabing lupa, depende kung ano ang mas mataas sa kanila.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments