top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Buwanang pagsusuri sa nationwide clean-up, ipinatutupad

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 9, 2024




Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang buwanang pagsusuri para sa mga barangay sa buong bansa bilang kaakibat ng pagpapatupad ng clean-up program, na nagbibigay-diin sa kanyang masusing pagmamatyag.


Sa isang video message ngayong Martes, sinabi ni Marcos na masusing susubaybayan at palalakasin niya ang positibong momentum ng 'Kalinisan sa Bagong Pilipinas' nationwide clean-up drive na nagmumula sa mga pagsisikap ng mga opisyal ng barangay at kabataan sa buong bansa.


"Ang kaayusan at kalinisan sa bawat barangay ay gagawin nating tuloy-tuloy; buwan-buwan na susukatin ang performance ng Barangay Council, at kikilalanin natin at pararangalan natin ang mga outstanding na performance,” ani Marcos.


“Higit sa lahat, ang kaayusan at kalinisan sa bawat barangay ay tututukan ng inyong Pangulo,” dagdag niya.


Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagiging matiyaga sa mga pagsisikap ng 'bayanihan,' lalo na sa paglilinis ng kalsada, kanal, palengke, at paaralan tungo sa mas luntian, mas malusog, at mas ligtas na mga pamayanan sa buong bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page