Butler, trumabaho sa Heat, Giannis, halimaw sa Bucks
ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 24, 2022

Determinadong bumawi ngayong taon ang Boston Celtics at sila na ang unang koponan na nakamit ang ikatlong sunod na panalo kahapon kontra sa Orlando Magic, 126-120, kahapon sa Amway Arena. Binigyan ni All-Star Jayson Tatum ang numero unong rookie Paolo Banchero ng matinding aral kung paano maglaro sa NBA at bumagsak ang Magic sa 0-3.
Umapoy si Tatum para sa 40 puntos sa gitna ng bantayan nila ni Banchero na gumawa lang ng 23 puntos. Malaking suporta ang nakuha ni Tatum kay guard Derrick White sa 27 puntos. Nakuha rin ng Miami Heat ni kabayan Coach Erik Spoelstra ang tagumpay matapos at pinadapa ang bisitang Toronto Raptors, 112-109. Nagtrabaho ng todo si Jimmy Butler para sa 24 puntos at reserbanbg si Max Strus sa 20 puntos.
Patuloy ang mahusay na laro ni Jalen Green subalit hindi nagwagi ang Houston Rockets, 125-105 sa Milwaukee Bucks kahit kahit may 22 puntos. Halimaw muli sina Giannis Antetokounmpo sa 44 puntos at 12 rebound at Jrue Holiday sa 19 puntos.
Matapos talunin ang World Champion Golden State Warriors noong isang araw, dalawang sunod na tagumpay na ang Denver Nuggets at biniktima ang Oklahoma City Thunder, 122-117. Triple double si MVP Nikola Jokic na 19 puntos, 16 rebound at 13 assist.
Ipinantay ng Dallas Mavericks ang kartada sa 1-1 at tinambakan ang dating walang talong Memphis Grizzlies, 138-96. Bumida si Luka Doncic na may 32 puntos. Ginulat ng bisitang San Antonio Spurs ang Philadelphia 76ers, 114-105, at itapal ang kanilang ikatlong sunod na talo upang simulan ang bagong taon. Namuno sa Spurs sina Devin Vassell na may 22.
Samantala, pinili si point guard Remy Martin ng Cleveland Charge sa Round 2 ng NBA G-League Draft kasabay ng mga laro kahapon.





Comments