top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Butler, napakahusay sa Game 2, nanunog sa Celtics

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 21, 2023



Laro ngayong Linggo – Crypto.com Arena

8:30 a.m. Denver vs. LA Lakers


Masyadong ginagalingan ni Jimmy Butler ang 2023 NBA Playoffs. Susi muli si Butler sa 111-105 tagumpay ng bisitang Miami Heat sa Boston Celtics upang itayo ang 2-0 lamang sa seryeng best-of-seven ng Eastern Conference Finals kahapon sa TD Garden.


Hawak ng Boston ang 100-96 lamang subalit ipinasok ni Bam Adebayo ang dalawang free na sinundan ng dalawang shoot ni Butler upang tumabla at ibalik ang lamang sa Miami, 102-100, at 2:33 sa orasan. Hindi pa tapos ang Heat at nagdagdag ng free throw si Max Strus at dunk ni Adebayo para lalong lumayo, 105-100, at 55 segundong nalalabi.


Saglit nagbanta ang Celtics sa tatlong free throw ni Jayson Tatum subalit sinagot ito ng mga pandiin na puntos nina Gabe Vincent at Strus. Masakit ang pagkabigo ng Boston na sinayang ang 89-77 lamang maaga sa fourth quarter.


Hindi na pumuntos si Butler matapos ibalik ang lamang subalit sapat na ang kanyang 27 upang pangunahan muli ang Heat. Sumunod si reserba Caleb Martin na may 25 at double-double si Adebayo na 22 puntos at 17 rebound.


Samantala, sisikapin ding manatiling buhay ang Los Angeles Lakers sa Game 3 ng West Finals kontra bisitang Denver Nuggets sa Crypto.com Arena ngayong Linggo simula 8:30 ng umaga, oras sa Pilipinas. Kailangan na kailangan magwagi ng Lakers dahil walang koponan sa mahabang kasaysayan ng NBA ang nakahabol mula sa 0-3 at walisin ang huling apat na laro sa kahit anong uri ng seryeng best-of-seven.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page