top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Buti raw na-media… VIC, KINUMPIRMANG BAYAD NA ANG UTANG NA TF NIYA NG EAT BULAGA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 9, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 9, 2023



Nakapanayam namin si Bossing Vic Sotto sa mediacon ng Hanabishi kung saan ni-renew niya ang kanyang partnership sa nasabing appliances brand.


Hiningan siya ng reaksiyon tungkol sa naging pahayag ng kapatid na si dating Senate President Tito Sotto sa mga isyung kinakaharap ng Eat... Bulaga!.


Ayon kay Bossing, “Lahat ng katotohanan ay nailahad na niya.”


Ayaw nang magsalita pa ng ibang detalye ni Bossing Vic, bagama’t kinumpirma naman

nitong may utang sa kanya ang mga Jalosjos, ang producer ng Eat... Bulaga!.



Hindi lang daw P30 M ang utang sa kanya kundi mas malaki pa.


Pero kahapon, muling nakapanayam ng press people si Vic sa presscon ng bago niyang show sa GMA-7 at ang sagot niya sa tanong tungkol sa utang sa kanya ng producer ng Eat... Bulaga! ay “Bayad na! Okey na.”


Dagdag pa nito na waring nagpapasalamat sa media dahil lumabas ang balita, “Buti na lang na-media.”


Samantala, isa lang umano ang masisiguro nila ng TVJ at ito ay ang pananatili ng nasabing longest-running noontime show sa ere, kahit na anong mangyari.


Dagdag nito, hangga’t nakakapagbigay pa siya ng kasiyahan sa mga tao ay wala pa siyang balak na magretiro sa showbiz industry.


Samantala, si Sarah Geronimo ay ambassadress din ng Hanabishi, kaya naman looking forward si Bossing Vic na makagawa sila ng proyekto.


Aniya, “May mga naisip na ako kung ano ang aming gagawin, tiyak na swak ‘yun. Sana nga, matuloy.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page