top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Buti raw ‘di siya kinuhang ninang sa kasal… AI AI SA BAGONG MISIS NI GERALD: MAG-INGAT KA. BAKA MAGAYA KA SA ‘KIN

Writer: BULGAR
BULGAR
36 minutes ago
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly| September 18, 2026



FRANKLY - AI AI SA BAGONG MISIS NI GERALD MAG-INGAT KA, BAKA MAGAYA KA SA ‘KIN-IG _msaiaidelasalas & FB Circulated

Photo: IG _msaiaidelasalas & FB Circulated



Mukhang totally moved on na si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa muling pagpapakasal ng kanyang ex-husband na si Gerald Sibayan.


Sa pilot episode ng GTV talk show na Kalurks!, naging open si Ai Ai tungkol sa naging reaksiyon niya nang malaman niyang muli nang nagpakasal si Gerald.


Ayon sa aktres, wala talaga siyang idea na magpapakasal na ulit ang kanyang ex. Sa isang kaibigan pa niya unang nalaman ang tungkol dito.


“Wala. Parati naman akong walang idea sa gagawin n’ya sa ‘kin, eh,” pabirong pahayag ni Ai Ai.


At kahit may history silang dalawa, tila lighthearted lang ang approach ng komedyana sa bagong chapter ng buhay ni Gerald.


Sa katunayan, sey ni Ai Ai, buti na lang at hindi siya kinuha bilang ninang sa kasal. Kung nangyari raw iyon, baka mapilitan siyang magbigay ng unsolicited advice sa bagong asawa ni Gerald.


“‘Pag ninang ka, bawal kang tumanggi,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, kung naging ninang siya, parang magiging ‘second parent’ na rin daw ang role niya. At bilang second parent, siyempre, hindi raw niya mapipigilang magbigay ng advice sa bride.


“Girl, mag-ingat ka. Baka mamaya, magaya ka sa ‘kin,” biro ni Ai Ai.

Sinundan pa niya ito ng mas nakakatawang hirit, “Malay mo, 10 years from now, 5 years from now, 2 years from now, magiging ang ‘tanging ina’ ka rin.”


Samantala, pagdating naman sa kanyang mga anak at kung ano ang naging reaction ng mga ito sa muling pag-aasawa ni Gerald, simple lang ang sagot ni Ai Ai — dedma.

“Kasi, two years na rin naman kami na waley na,” sey niya.


Despite everything that happened between them, walang bitterness na ipinakita si Ai Ai nang tanungin kung ano ang wish niya para sa kanyang ex-husband.


“I wish him well. Kasi ‘di ba, ayoko naman na mag-wish sa tao ng hindi maganda,” saad niya.

At kung pag-ibig at relationships naman ang pag-uusapan, aminado si Ai Ai na mahirap magbigay ng definite advice dahil magkakaiba ang kapalaran ng bawat tao.


“‘Di naman natin alam kung anu-ano ang mga kapalaran natin,” aniya.

Para kay Ai Ai, may mga taong suwerte sa love life at mayroon ding hindi. 

Naniniwala rin siya na ang marriage ay isang bagay na may element ng suwerte.


“May suwerte, may hindi. Kasi, naniniwala ako na ang pag-aasawa, suwerte ‘yan,” pahayag niya.


Sa ngayon, mukhang ang mahalaga kay Ai Ai ay ang moving forward at wishing everyone well. At kung may isang bagay man siyang gustong iparating sa mga babae tungkol sa relationships, iyon ay ang maging maingat at matutong pahalagahan ang sarili sa journey ng pag-ibig.





ISANG pasabog na plot twist ang gumulantang sa mga viewers ng Someone, Someday (SS) matapos ang rebelasyon na magkapatid pala ang mga karakter nina Kathryn Bernardo at Maja Salvador.


Nasasagot na ang ilan sa mga katanungan sa matinding galit ni Bea (Maja) kay Billy (Kathryn) dahil sa surprise birthday party na dapat sana ay para kay Precious (Dimples Romana), pero sina Bea at Billy pala ang na-surprise.


Nawindang kasi si Bea nang makita niya sa unang pagkakataon na magkasama si Billy at ang tatay nilang si Enrico (Rowell Santiago).


Sumunod dito ang ilang flashback scenes na kinukumpirmang tatay din ni Bea si Enrico na kinalaunan ay nawala na lang sa buhay nila na parang bula. Dahil dito, mas nabibigyang-linaw ang inggit at motibo ng paghihiganti ni Bea laban kay Billy.


Ngunit, hindi naman alam ni Bea na isinusumpa rin ni Billy si Enrico dahil sa pag-abandona nito sa kanilang pamilya, at wala pa ring kamalay-malay si Billy na half-sister niya si Bea.


Samantala, may sariling love problem naman na pinagdaraanan si Jordan (James Reid) dahil mukhang unti-unti niyang napagtanto na higit pa sa best friend ang nararamdaman niya para kay Billy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page