top of page

Buti na lang daw, ‘di pa nakakatrabaho si Janno… MARIAN, HATE NA HATE ANG PALAGING LATE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 14, 2026



Sexbomb - IG Rochelle Pangilinan

Photo: I Marian Rivera-Dantes - Janno and Bing Channel



Hate na hate ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang mga artistang nakakatrabaho na laging late.


Alam na raw ng lahat ng artistang nakatrabaho niya na ang pinakaayaw niya ay ang hindi pagdating sa napagkasunduang oras.


“Alam ng lahat ng katrabaho ko kung ano ‘yung ayaw ko talaga. Parang kaya kong mag-adjust kung ‘di mo kayang magbigay. Gusto mo, laging bida? That’s fine with me. ‘Di mo alam ‘yung lines mo, okay lang sa akin ‘yun. Bahala ka. Basta ginagawa mo ‘yung work mo, gagawin ko ‘yung work ko. That’s fine with me. 


“Isa lang ang ayaw kong ginagawa, always late,” pahayag ni Marian sa Janno & Bing YouTube (YT) vlog ng mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga.


Naaawa raw siya sa mga crew at staff na maagang dumarating sa set para magtrabaho at sila rin ang huling umuuwi pagkatapos ng shooting o taping.


Natawa si Janno sa sinabi ng Kapuso actress dahil kilala ang singer-actor na palaging nale-late sa set. 


Pakli tuloy ni Marian, “Buti na lang talaga, ‘di pa tayo nagkakatrabaho.”



MULING magbabalik si Bela Padilla sa telebisyon. Kinumpirma niya kamakailan na may gagawin siyang aksiyon-serye sa ABS-CBN na pangungunahan nina Gerald Anderson at Richard Gutierrez. Ito ang unang proyekto ng aktres-direktor simula noong 2019.


Dahil aksiyon ang proyekto, nagsimula na siya ng pisikal na pagsasanay kabilang ang Muay Thai at stunt work. 


Aniya, “Opisyal na akong makakasama nina Richard at Gerald sa kanilang bagong palabas!”


Sandaling lumabas si Bela sa Pamilya Sagrado (PS) noong nakaraang taon, pero ngayon ay full-time na siya sa kanyang pagbabalik. 

Inilarawan ni Bela ang papel bilang malayo sa kanyang mga nakaraang trabaho. 


“Sobrang bago para sa akin, bagung-bago ang character. Bagong genre rin, first time kong mag-action-drama,” wika niya.


Sa kabila ng kaba sa pagbabalik-taping, sinabi niyang buo ang kanyang dedikasyon sa aksiyon-serye. 


Hindi ko nga alam kung marunong pa ba ako mag-taping. Hahaha!” ani Bela.


Hinggil sa kanyang kalusugan, sinabi niyang okay na siya at mas disiplinado na ngayon kumpara sa mga nakaraang taon. 


“Pakiramdam ko ay mas malusog at mas malakas ako ngayon kaysa noong edad 20 ko. Hindi ko kasi inalagaan ang sarili ko noon,” aniya.


May gagawin din siyang theatrical project kasama si Carlo Aquino na ire-release sa Marso.


Samantala, may sari-saring komento ang mga netizens sa bagong proyektong gagawin ni Bela. 


Ayon sa ilan, “Masyadong overkill ‘yung teaser, akala mo naman bankable A-lister si BP.” 


May hula naman ang iba, “Mali ‘yung hula ng iba, akala si Erich.”


May tsika ring posibleng makasama ang aktres na si Erich Gonzales kung saan magkapatid umano ang role nila ni Bela Padilla. 

How true kaya ang tsikang ito?



MARAMI ang nagulat nang magkomento si Diego Loyzaga ng “I love you” sa Instagram (IG) post ni Coleen Garcia na misis ni Billy Crawford.


Sa nasabing post, ibinahagi ni Coleen ang isang family photo at sinulatan ng: “This made Amari fall in love with sunsets. Core memory unlocked.”


Umani ng samu’t saring reaksiyon ang direktang komento ni Diego. May ilang nagbiro at nagtanong kung para kanino ang pa-“I love you” niya habang ang iba naman ay nagbigay ng malisyosong interpretasyon.


Agad itong nilinaw ng aktor. Ayon kay Diego, ang kanyang mensahe ay maaaring para kay Coleen, kay Billy, kay Amari, o sa buong pamilya. Pinuna rin niya ang maling pag-iisip ng ilang netizens at iginiit na walang dapat ikagulo ang mga ito.


Hayan, siguro naman ay kuntenk ang aktor na guluhin ang tahimik na pamilya nina Coleen at Billy, lalo’t maayos na rinto na ang mga Marites sa paliwanag ni Diego. Marumi lang ang pag-iisip ng ilang nakabasa sa kanyang komento.


Wala umanong bala ang kanyang buhay bilang single dad sa anak na babae.

Matatandaang nagkasama sina Diego Loyzaga at Coleen Garcia sa pelikulang Isang Gabi na idinirek ni Marc Alejandre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page