top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Butas na batas ang “substitution” ng mga kandidato

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 28, 2021



Marami sa mga kababayan natin ang dismayado sa “substitution” na nagaganap tuwing panahon ng halalan.


Tila kasi inaabuso na ito, partikular na ang boluntaryong pag-atras ng kandidato para palitan ng isa pa.


Dahil sa sistemang ito, sa pambansa at lokal man na halalan ay nagiging uso ang mga “place-holder candidates.”

☻☻☻


Bilang tugon sa butas na ito sa batas, nitong Lunes ay naghain ang ilang miyembro ng Senado ng panukalang-batas na ipagbabawal ang ganitong sistema.


Kasama sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Grace Poe, Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva, inihain natin ang Senate Bill No. 2439 na naglalayong amyendahan ang Section 77 ng Omnibus Election Code at tanggalin ang “withdrawal” bilang isa sa mga pinapayagang dahilan para sa substitution ng mga kandidato.


Pinuna natin sa panukalang batas na dahil sa withdrawal, binabalewala at hindi sinusunod ang mga deadline na itinatakda ng Commission on Elections sa filing of candidacy.


Nabibigyan din ng “unreasonable advantage” ang mga partido na nauuwi sa pagkadehado ng mga independent candidates. Ito ay dahil pinapayagan lamang ang substitution by withdrawal sa mga kandidatong miyembro ng political party.


☻☻☻


Sa kasalukuyang sistema para sa Halalan 2022, kapag ang kandidato ay namatay, nag-withdraw, o hindi kaya ay ipinagpasyang diskuwalipikado, maaaring mag-file ang substitute candidate hanggang November 15, 2021.


Kung maipapasa ang SBN 2439, maaari na lamang palitan ang kandidato kung ito ay “incapacitated” — kung mamamatay o kaya ay magkakasakit — o “disqualified.”


☻☻☻


Naniniwala tayon na ang panukalang batas ay makatutulong sa pagpapalakas ng political party system ng bansa, at pati na rin sa pagsiguro ng “level playing field” o pagkakapantay-pantay ng mga kandidato, kabilang man sa partido o independent.


Naghain na rin ang House of Representatives ng katuwang na panukala, ang House Bill No. 10380.

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page