Busy kay AJ sa Canada… ALJUR, NO SHOW SA 6TH B-DAY NG ANAK NILA NI KYLIE
- BULGAR
- Aug 7, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 7, 2023

Naba-bash na naman si Aljur Abrenica dahil nag-birthday ang eldest son nila ni Kylie Padilla na si Alas na wala siya. Nasa Canada si Aljur kasama ang kanyang girlfriend na si AJ Raval, kaya pati ang GF, kasamang naba-bash.
Kahit wala si Aljur, masaya pa rin ang 6th birthday ni Alas at binigyan siya ni Kylie ng Godzilla-themed birthday party. Mukhang lalaking matangkad si Alas dahil mahahaba ang mga legs nito.
Saka, malay natin at pagbalik ni Aljur from Canada, i-celebrate rin niya ang birthday ni Alas, eh, ‘di naka-dalawang birthday parties pa ito. Speaking of Kylie, nagte-taping pa pala ito ng ‘Black Rider kung saan may special participation siya.
Ibig sabihin, mahaba-haba ang labas niya sa series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid at reunion project nila. Sa nakita naming mga behind the scenes photos, tila mag-asawa ang role nila ni Ruru dahil may larawang buntis siya.
Naispatan din si Kylie sa taping ng extension episodes ng Voltes V: Legacy, hindi pa sinabi kung ano ang magiging role niya, umaasa ang mga fans ng aktres na sana ay totoo ang tsika na ang role ni Kylie ay introduction sa susunod na live adaptation na gagawin ng GMA-7.
Kasama rin yata si Kylie sa cast ng Sanggre for airing next year at ibig sabihin, sunud-sunod ang kanyang mga projects. Ang payo sa kanya ng mga fans, ‘wag munang ma-in love at mag-focus muna siya sa kanyang career.





Comments