Busog lang daw kaya malaki ang tiyan… BEA: ‘DI AKO BUNTIS!
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | October 18, 2025

Photo: IG @beaalonzo
Tinapos na ni Bea Alonzo ang mga espekulasyong kumakalat na buntis siya.
Sa kanyang Instagram (IG) post kahapon ay diretsahang sinagot ni Bea ang tanong ng mga Marites if true na nabuntis na siya ng kanyang businessman boyfriend na si Vincent Co.
Ipinost ni Bea ang kanyang larawan na may hawak na birthday cake.
Una ay nagpasalamat muna ang aktres sa lahat ng nagpakita ng pagmamahal at bumati sa kanyang kaarawan.
Pangalawa, ang paglilinaw niya sa nag-viral na larawan niya kung saan napagkamalan na siya ay nagdadalantao.
Caption ni Bea: “Thank you for all the birthday love (heart emoji). Feeling so grateful for another year of laughter, growth, and the people who keep me grounded.
“And for anyone curious about the picture – just caught at a bad angle after an amazing dinner (calm emoji). Glowing, not expecting (stars emoji).”
Klaro na ba ‘yan?
Anyway, bumaha ng birthday greetings kay Bea sa comment section ng kanyang IG post kahapon.
Pagbati ng girlfriend ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier, “Joyeux Anniversaire (happy birthday in French), Bea!!! May more blessings come your way.”
Sigaw ni Anne Curtis, “Happy, happy birthday, Beeeeei. Miss you!!!”
“Happy birthday, B!!! (heart with arrows emoji),” comment ni Sarah Lahbati.
PERSONAL na sumugod si Primetime King Coco Martin sa Tonsuya, Malabon para taos-pusong magpasalamat at maghatid ng saya sa masusugid na manonood ng Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo (BQ).
Kasama ang ilan sa kanyang mga co-stars sa serye, sinorpresa ni Coco ang 65-anyos na si Albino Alcoy na tatlong taon nang tumututok sa serye gabi-gabi.
Namigay din ang aktor-direktor ng ilang regalo bilang bahagi ng ‘Katok Bahay’ program ng serye.
“Finally, ako naman ang pumunta sa kanilang mga tahanan para makapagpasalamat sa kanila nang personal at mayakap sila. Kasi sobra-sobrang biyaya ang ibinigay nila sa amin,” sabi ni Coco sa isang interview sa TV Patrol.
Ibinahagi rin ni Coco na malapit sa puso niya ang Tonsuya dahil dito nila kinunan ang ilan sa mga unang eksena ng BQ na ngayon ay nasa ikatlong taon na.
Nagpaulan din ng pagmamahal si Coco sa iba pang mga residente na naka-bonding din niya sa kanyang pagbisita.
Patuloy na bibisitahin ni Coco at ng FPJ’s Batang Quiapo team ang iba pang mga lugar sa Pilipinas bilang bahagi ng ‘Katok Bahay’ para pasalamatan ang mga Kapamilya na walang sawang sumusuporta sa programa.
Para makakuha ng updates, bisitahin ang ‘batangquiapo’ via ABS-CBN website.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok (TT) o bisitahin ang ABS-CBN newsroom website.
Comments