Businessman daw… CLAUDINE, MAY BAGONG LABS KAYA BLOOMING
- BULGAR
- Apr 19, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 19, 2023

May bago raw na nagpapaligaya sa puso ni Claudine Barretto, kaya blooming ito ngayon at kinarir na rin ang pagbabalik-alindog.
Balita na isang businessman daw at hiwalay din sa asawa ang nagpapakilig at nagbibigay-inspirasyon kay Claudine.
Wala pa namang ginagawang pag-amin sa parte ni Claudine at hindi pa ito nagpo-post sa social media kasama ng kanyang special someone.
May ilang netizens naman ang sumubok na tanungin ang mystery guy tungkol sa real status ng aktres.
Pero, ang tanging sey lang nito, "She's a good, family friend," matipid at "play safe" lang ang naging sagot ng lalaking iniuugnay ngayon kay Claudine.
Well... baka naman magkaibigan lang talaga sila?! Sure na aabangan ng mga fans ni Claudine ang mismong pag-amin mula sa kanilang idolo.
At kung totoo man na may bago na siyang pag ibig, wala namang problema dahil matagal na silang hiwalay ni Raymart Santiago at nauna nga itong magkaroon ng love life.
Deserve rin naman ni Claudine ang lumigaya.





Comments