Bureau of Customs, sumagot… ANGELICA, SHOCKED SA LAKI NG TAX NG BINILI ONLINE, TUMALAK SA SOCMED
- BULGAR
- Mar 17, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 17, 2022

Nanlumo si Angelica Panganiban sa laki ng tax na babayaran niya sa item na binili niya online. Halos pareho na kasi ng halaga ng binili niya ang tax alinsunod sa ipinataw na amount ng Bureau of Customs.
Idinaan ni Angelica sa Twitter ang kanyang naging experience on buying an item online. Bagama't hindi niya sinabi kung ano ‘yung item, tiyak na nanggaling pa ito sa ibang bansa, na ang laki ng tax na sinisingil sa aktres.
Tweet ni Angelica, “Guys, please enlighten me, honest question ito. Ano ang basehan ng Customs sa pag-tax ng item mo? Bakit magkasinghalaga na ang tax na pinabayaran sa 'kin at ang item na wala naman silang hinihinging resibo para malaman ang presyo ng item?”
Marami ang tumugon sa tanong ni Angelica na followers niya sa Twitter.
“Depending on the declared value of the sender. If it's an online purchase, they require online stores to attach a copy of amount declaration on the package na po.”
Nag-reply si Angelica sa comment ng netizen, “'Yun nga dapat 'di ba? Wala namang nakalagay from seller. Hindi rin sila tumawag sa 'kin. (Na usually naman nangyayari, then ipapadala ko sa kanila 'yung screenshot ng binayaran ko online) this time, nagulat na lang ako sa laki ng pinabayaran sa 'kin."
One of the replies na nakita namin ay may account name sa Twitter na Bureau of Customs PH. Mukhang legit naman ang account name.
“Hi Miss @angelica_114, to better assist you on the computation of duties and taxes, kindly provide us the complete details using the format below thru private message,” mensahe from Bureau of Customs sa Twitter post ni Angelica.
Ipinapalagay kay Angelica sa tweet from BOC PH ang tracking number, courier, email address, contact number at iba pang details sa inorder niyang product online.
Reply ng isang netizen sa tweet ng may account name na Bureau of Customs PH, “Baka maganda po, ang tanungin n'yo rito, 'yung Customs officer mismo. May experience na kami na ganyan, nagreklamo kami, 'yun pala, talaga namang ganu'n 'yung standard na tax ng binabayaran sa ganu'ng item.”
Sa sumunod na tweet ni Angelica ay nagpasalamat siya sa mga nag-comment sa post niya.
“Salamat sa mga responses ninyo. Nakakapanghinayang lang na wala akong choice kundi bayaran 'yung singil nila. Kung alam ko lang na 70% 'yung babayaran kong tax sa customs, 'di na 'ko bumili online,” may pagsisising tweet ni Angelica.
And on her last Twitter post sa isyu ng kanyang binili online, ini-retweet niya ang comment ng isa niyang follower.
“Same experience, kahit ibinigay sa 'yo, babayaran mo pa rin,” comment ng netizen.
Caption ni Angelica sa ini-retweet niyang mensahe ng netizen sa kanya, “Huhuhu dito 'ko nasasaktan. Kadalasan, mga kamag-anak natin sa ibang bansa mag-iipon ng padalang bagong sapatos o bag para sa anak nila. Tapos, maloloka na lang 'yung anak dahil ang laki ng singil sa kanila. So, du'n sa pagtubos na pupunta 'yung ipon nila :("
Nakaka-sad talaga.





Comments