BUONG PAMILYA NI JULIE ANNE, JOIN SA V-DATE NILA NI RAYVER
Updated: Feb 21, 2023
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 20, 2023

Buong pamilya ni Julie Anne San Jose ang Valentine's date ni Rayver Cruz dahil kasama sila sa The Vineyard, Tanauan, Batangas.
Okay lang iyon kay Rayver at excited nga siya na makasama ang buong pamilya ni Julie Anne na ibig sabihin ay malinis ang kanyang hangarin at respetado niya ang dalaga.
Aminin natin sa panahon ngayon ay mas gusto ng lalaki na dalawa lang sila ng dyowa niya ang magka-date sa Araw ng mga Puso.
Kaya perfect combination sina Rayver at Julie Anne dahil pareho silang konserbatibo.
Hindi lang namin sure kung first V-date ito ng dalaga dahil sa mga lalaking na-involve sa kanya noon, wala namang nabalitang nag-celebrate sila.
Anyway, parehong nag-post ang magkasintahan sa kani-kanilang Instagram account ng mga masasayang larawan nila sa The Vineyard na nagpi-picnic, ang saya-saya, nagsu-swimming at pictorial session with matching bouquet of pink roses.
Ang caption ni Julie Anne, “My kind of all-day picnics and everyday Valentine’s.”
Sinagot naman ni Rayver ng, “My everyday Valentine.”
Kapareho rin ng sa singer-actress ang caption ni Rayver sa mga larawang ipinost niya at wala kaming nabasang sagot ng dalaga.
Samantala, wala naman kaming nabalitaang nagbigay ng singsing ang binata maliban sa mga bulaklak bilang Valentine's gift.

Bagama’t itinanggi ng mga batang aktor at aktres na sina Aljon Mendoza at Jayda Avanzado na may namamagitan sa kanila at sinabing close friends lang daw sila ay mahahalata naman sa kilos at titigan nilang dalawa, na hindi nakaligtas sa ilang media na dumalo sa launching ng iWantTFC original series na Teen Clash.
Kapansin-pansin kasing habang nagsasalita si Aljon ay nakatitig si Jayda na katabi lang ng aktor and vice-versa.
Kaya ang tanong sa unica hija nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza ay kung sakaling manligaw si Aljon sa kanya, may tsansa ba?
Pabirong sagot ng dalaga ay, “Para po sa akin, habang may buhay, may pag-asa.”
Biro pero may laman o baka pinakikilig lang ni Jayda ang media para sa show nilang Teen Clash?
Dagdag pa nito, “Honestly, at this point, I would say that wherever life takes us, I welcome that, kung anuman 'yung itadhana sa 'min.”
Hayun naman pala, may pa-tadhana effect pang nalalaman ang batang aktres-singer.
At ang reaksiyon ni Aljon sa sinabi ng kanyang leading lady na umaming hinahawakan ni Jayda ang kanyang kamay kapag kukunan na ang eksena nila, “Hindi kami nagmamadali, pero sobrang happy namin sa kung ano'ng ginagawa namin ni Jayda. 'Yung hands kanina, siya 'yung charger.
“Every time na may scene kami, tinutulungan talaga niya ako. Halimbawa, may scene na madaling-araw, tapos parang lowbatt ako, napapahawak lang ako sa kamay niya, tapos...
'yung love language ko kasi is physical, so every time na may hahawak sa kamay ko, napi-feel ko 'yung energy. Nare-recharge ako."
Ayon naman sa singer-actress, “Ramdam ko rin po na committed siya rito sa project na ito.
We're both working towards one goal. May mga moments, siyempre, tao lang tayo, na may pagkailang nang konti. Nawala rin 'yun eventually. Habang mas nagkakatrabaho kami, mas nagiging komportable kami sa isa't isa. Walang feeling of discomfort. Tiwala lang po talaga.”
Samantala, naikuwento ni Aljon na lagi na silang nag-uusap nang malaman nila ang tungkol sa Teen Clash project.
“Maraming effort 'yung ginagawa namin para mag-work itong project. Before pa ng taping, ang dami na nu’ng goals namin na gusto naming magawa. Sobrang collaborative.”
Ang ideal boyfriend naman ni Jayda, “I'm really looking for someone who respects me and what I do in my craft. And someone who will be ultimately supportive and proud of me in whatever I do, who will always be at my side. Having that trust and respect is really important, that's what kind of I'm looking forward to a partner.”
Ang Teen Clash ay adaptation ng Wattpad na isinulat ni Ilyn Anne Danganan.
Bukod kina Aljon at Jayda ay kasama rin sina Markus Paterson, Kobie Brown, Andi Abaya, Zach Castañeda, Bianca de Vera, Gail Banawis, Fan, Ralph Malibunas at Luke Alford.
Mula ito sa direksiyon ni Gino Santos at produced ng iWantTFC at Black Sheep.





Comments