Buong ICI report, huwag itago — Sen. Imee... Buwayang mastermind sa flood scam, ilantad!
- BULGAR

- Apr 2
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | April 2, 2026

Photo: Imee Marcos / FB
HIniling ni Senador Imee Marcos ang pagsisiwalat ng buong ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), na nag-imbestiga sa maanomalyang flood control.
“Full transparency is the only way for the ICI and maybe, this administration, to redeem themselves in their dismal handling of the flood control mess,” wika ni Marcos sa isang pahayag.
“Para saan pang itinatag ‘yung ICI kung itatago lang naman ang report, walang ilalantad na buwayang mastermind, at tuluy-tuloy lang ang pangungurakot, habang nalulunod sa baha at paghihirap ang sambayanan?” tanong ng senadora.
Ipinunto ni Marcos ang Section 8 ng Executive Order 94 na lumikha sa ICI noong nakaraang taon na dapat maglabas ng naging accomplishments nito at iba pang kaugnay na ulat. “What could be a more relevant report than the final report itself? Furthermore, to give context to the final report, the ICI should also release the transcripts of its proceedings and the documents filed by the resource persons,” diin ni Marcos.
Matatandaang naipasa na ng ICI ang mga rekomendasyon nito kaugnay ng mga kaso sa Office of the Ombudsman at sa Department of Justice (DOJ).
Nauna nang sinabi ng Malacañang na tila “nabibigatan” ang Office of the Ombudsman at ang Department of Justice (DOJ) sa dami ng mga rekomendasyong nagmula sa ICI, nang tanungin tungkol sa kakulangan ng mga hatol laban sa malalaking kontratista at matataas na opisyal na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects.




Comments