Bunsong anak, na-trauma… ISKO AT PAMILYA, NAPAAWAY SA PARIS
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 17, 2022

Few weeks ago, naisulat namin ang tungkol sa post ng netizen sa comment section asking if true ang balitang nabugbog si former Manila Mayor Isko Moreno sa Paris.
That time ay nabalita rin na nagbakasyon si dating Mayor Isko at ang kanyang pamilya sa Europe.
Ang tanong na ‘to ng netizen ay makikita sa aming interbyu sa manager ni Joaquin Domagoso na si Wowie Rivera a.k.a Daddie Wowie sa showbiz, na mapapanood sa Knowdabuzz JBW TV YouTube channel.
Marami rin ang nag-react sa tanong ng concerned netizen sa reply section ng naturang content.
“Lies. Show proof.”
“Mas maiging magsaliksik kesa sa makisabay sa fake news.”
“Paano mabubugbog si Yorme, eh, family nila ni Dynee, puro taekwondo experts?”
Ang tinutukoy na Dynee sa comment ay ang misis ni Isko.
Kamakailan ay nainterbyu namin si Joaquin, panganay na anak ni Isko, sa premiere night ng short film ni Direk Njel de Mesa produced by NDM Productions, ang Al Coda.
Inusisa namin siya kung kumusta ang vacation ng kanyang pamilya sa Europe. At dito ay inilabas ni Joaquin ang kanyang disappointment sa pagsunod niya sa pamilya sa Paris, France.
“Actually, not anymore,” ngiwi ni Joaquin when asked kung nag-enjoy siya sa Paris.
“I don’t think Paris is a place you wanna bring… for me, ha? You can find cheaper places that have better and kinder people. Kasi, parang mapapaaway ka ru'n sa Paris.”
Wala naman daw naghamon sa kanya ng away. Marami naman daw “nice people” sa Paris, pero meron din daw mga salbahe.
At dito na nabanggit ni Joaquin ang nangyari sa kanyang ama at kapatid sa Paris.
“Somebody tried to steal from my dad. They’re bullying my little brother sa carnival. And then, parang mino-modus nila. Medyo ginang-up ang papa ko. They got to a small push-push fight.
They ganged-up on my dad. Buti na lang my dad covered his pockets.”
Bagama't ‘di naman daw major fight ang naganap sa pagitan ng kanyang ama at mga magnanakaw sa Paris, labis siyang nag-worry para sa kanyang nakababatang kapatid na na-witness ang pangyayari.
“Umiiyak si Drake because it’s his first time to see something happened, eh. Big guys, you know.
We weren’t there. We’re in the…” naputol na pahayag ni Joaquin kung nasaan siya that time.
Na-trauma raw si Drake sa nangyari.
“For Drake, yes. Pero si Papa, medyo ngingiti-ngiti siya kasi parang inis siya nang konti sa nangyari but he sounded to keep it down. He (Isko) doesn’t want Drake to feel bad.”
Itinanggi ni Joaquin na dahil sa nangyari kaya ayaw na niyang mamasyal ulit sa Paris.
“Hindi naman sa ayaw ko nang pumunta ru'n. I just feel like mas gusto kong pumunta sa London, mas gusto kong pumunta sa Belgium, to other countries they went to. Parang mas nag-enjoy sila roon, eh,” esplika ni Joaquin.
Sa ngayon, wala pa raw talaga siyang plano na magbakasyon at ‘di raw niya isinasara ang pintuan sa posibilidad na bumalik siya sa Paris.





Comments