Bumiyahe para sa school tour... MYRTLE, NA-STUCK SA EROPLANO AT PAIKUT-IKOT LANG SA ERE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 3, 2022

Nag-renew si Myrtle Sarrosa ng kontrata bilang celebrity endorser ng Sisters Sanitary Napkins kaya naman masayang-masaya ang aktres/cosplayer na patuloy pa rin ang pagtitiwala sa kanya ng Megasoft Hygienic Products Inc..
Sa loob ng anim na taon, naging magkatuwang na si Myrtle at ang Sisters brand upang ipalaganap ang kahalagahan ng magandang edukasyon, gayundin, ang pagpapanatili ng tamang kalinisan sa katawan lalo na sa kababaihan.
Sa isinagawang virtual mediacon ng Megasoft para kay Myrtle last Tuesday, aminado ang aktres na talagang naiyak siya nang sabihin sa kanyang magre-renew siya ng kontrata.
Napakarami na raw nilang pinagsamahan ni Ms. Aileen Choi Go, Megasoft’s Vice-President for Sales and Marketing at talagang parang big sister na ang turing niya rito.
“'Yung relationship kasi namin ni Big Sis (Ms. Aileen), sobrang tagal na. Tipong pumunta na kami ng iba’t ibang parte ng Pilipinas – Luzon, Visayas, Mindanao, nag-tour na kami ni Big Sis.
“Naranasan namin na bumagyo, na-stuck, nakakita kami ng multo, binaha, ‘yung mga ganu’ng experiences namin. Nag-trending pa nga dati ‘yung nakakita kami ng multo habang nag-i-school tour,” pagbabalik-tanaw ni Myrtle.
May instance pa raw na na-stuck sila sa eroplano at paikut-ikot lang sila sa himpapawid for 3 hours dahil sa bagyo.
Sey pa ng aktres, “When I first became Sisters' endorser, we worked together to rise above and sobrang nakaka-proud 'yung lahat ng naging accomplishments namin sa Sisters and Megasoft within the last six years.
“We have inspired thousands of students, we have helped multiple schools and we have been a part of the movement to which we make school fun and award all the students and teachers for all that they do. Nakakatuwa rin having the opportunity na tulungan 'yun.”
Samantala, dahil sa COVID-19 pandemic, pansamantalang nahinto ang matagumpay na school tour campaign ng Sisters. Gayunman, hindi naman nito nahinto ang hangarin ng brand, kasama si Myrtle, para ipalaganap ang layunin ng kanilang programa sa mga kabataan.
“We diverted our face-to-face school tour by joining online schooling activities like seminars and Brigada Eskuwela through “Personal Hygiene Management” segment, where Myrtle shares her ideas on how to take care of themselves when girls start having periods,” paglalahad ni Ms. Aileen.
Hindi rin magtatagal at muling makakapiling ni Myrtle ang mga estudyante sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas dahil ipinangako ng Megasoft na ibabalik nito ang face-to-face school tours kapag lumuwag na ang restrictions laban sa COVID-19.
Sabi pa ni Ms. Aileen, “We are excited to resume physical events, participate in festivals and school tours nationwide as promised when alert levels will be lifted ASAP.”





Comments