Bumirit, niresbakan ng utol… VIDEO NI REGINE NA SINIGAWAN NI CACAI, TRENDING
- BULGAR
- Sep 24, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 24, 2022

Trending ang awitin ni Morissette Amon na Gusto Ko Nang Bumitaw lalo na nang i-duet
nila ito ni Regine Velasquez sa ASAP two weeks ago.
Katunayan, ginaya pa nga sila nina Jodi Santamaria at Rochelle Pangilinan na agad nag-viral sa TikTok.
Mukhang malakas ang impact sa Asia's Songbird ng naturang kanta kaya naman silang magkapatid at manager niyang si Cacai Velasquez-Mitra naman ang nag-duet.
Ibinahagi ng singer ang isang nakakaaliw na video kung saan makikitang kumakanta siya ng Gusto Ko Nang Bumitaw habang katabi sa upuan ang younger sister na si Cacai Velasquez.
Pagkatapos niyang ibirit ang isang line ng song ay itinuro niya si Cacai para ito naman ang kumanta ng susunod na stanza.
Pero imbes bumirit din, sinigawan ni Cacai si Regine sa mukha na ikinagulat ng Asia’s Songbird. Kasunod nu’n ay tawa lang nang tawa si Regine.
Ganyan kung mag-bonding ang magkapatid, idinadaan sa kantahan, palibhasa ay parehong mahusay na singer.
Dati rin kasing kumakanta si Cacai, pero mas piniling alalayan na lang si Regine magmula nang pumanaw ang kanilang ama na laging kasama ng Asia's Songbird sa lahat ng kanyang engagement performances.




Comments