top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bumili ng cactus, walang dumating… JOLINA, NA-SCAM NG ONLINE SELLER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2021
  • 3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | January 20, 2021





Nabiktima pala si Jolina Magdangal ng isang online seller sa kagustuhan niyang magkaroon ng isa sa mga wish lists niya na cactus, ang tinatawag na golden barrel.


Gaya ng ibang celebrities, naging plant collector din si Jolina at ang cactus ang kanyang nakahiligang kolektahin.


Ishinare ni Jolina sa kanyang social media accounts kung paano siya na-scam ng online seller.


Makikita ang post ng Magandang Buhay host na si Momshie Jolens na larawan niya habang hawak ang kanyang golden barrel cactus.


“Golden barrel, isa sa mga wish lists ko na mga cactus at ngayon ay granted na. To @thepeapot Maraming-maraming salamat sa pagiging generous sa akin. Panatag ang loob ko 'pag sa 'yo nanggagaling ang mga plants ko dahil alam kong naalagaan mo na bago mo ibenta o ibigay," panimula ni Momshie Jolina sa caption ng kanyang post two days ago.


Naiba raw ang naramdaman niyang appreciation nang makuha na niya ang wini-wish niyang gift na golden barrel.


Kuwento ni Momshie Jolens, "Dahil last Sunday, na-SCAM ako ng isang seller ng mga cactus sa FB Marketplace. Sa kagustuhan kong makabili ng golden barrel, may isang seller na nagbebenta ng sobrang mura. Bumili tuloy ako sa kanya ng 3 gb at 7 pang kakaibang cactus."


Napabilib daw si Momshie Jolens dahil maayos namang kausap ang seller.


"Ang ayos kausap, English speaking pa. Mode of payment ay Gcash. Hapon ang huling text niya ay pa-deliver na ang mga order ko. At 'yun na ang huling text niya, nagme-message ako nu'ng gabi hanggang Monday after lunch, wala na, pinapatay na ang tawag sa Gcash number na ibinigay niya.


"Minessage pa siya ni Mark (Escueta, her husband) sa Fb Marketplace para kunwari mag-order at sumasagot! Pero sa akin ay wala na. At nu'ng sinabihan ni Mark na 'Asan na ang mga order ng asawa ko?' hindi na sinagot si Mark, at 'di na namin siya ma-search.


"SCAM.


"First time nangyari sa 'kin. Ganito pala feeling.


"Kung sino ka man “Samantha” ('yun ang Gcash name niya, hindi ko alam kung 'yun talaga name niya), maawa ka naman sa mga taong ninanakawan mo ng pinaghihirapang pera. Alam kong mahirap ang buhay ngayon, pero hindi 'yan ang paraan para kumita ka. Maaaring after nito ay magpalit ka na ng account pero malamang itutuloy mo pa rin 'yang panloloko mo. Ang Diyos ay nakikita ang lahat-lahat. At ipinagdasal na kita sa kanya.


"Ingat tayong lahat.


"Thank you sa pagbasa ng lahat ng ito, kung umabot ka dito."


Ang daming nagbigay ng comments sa post ni Momshie Jolens at nakisimpatya sa nangyari sa aktres-TV host.


Ang lakas naman ng loob ng nang-scam kay Momshie Jolens. Imagine, isang sikat na celebrity ang ginawan ng ganu'n. Kaya easing-easy na rin siyang makapanloloko sa mga ordinaryong mamamayan.


Mabuti at ipinost ni Momshie Jolens para ma-warning-an ang lahat sa mga online sellers na scammer.


Anyway, ang bagong engaged na si Ara Mina ang guest sa Magandang Buhay last Monday na napapanood sa A2Z, digitalized channel 20, TFC, iwantTV, Kapamilya Online at iba pa bago mag-It's Showtime.


Wala sa studio ng Magandang Buhay si Ara nu'ng ikuwento niya ang mga kaganapan sa proposal ng kanyang fiancè na si Dave Almarinez. But she was being interviewed via Zoom ng mga momshies na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros and Jolina ng Kapamilya morning talk show.


"Nasa ano ako, Batangas, nagte-taping ng Ang Probinsyano," lahad ni Ara.


Binati ng mga momshies si Ara sa kanyang engagement. Pansin naman ni Momshie Melai, hindi raw maalis ang ngiti sa labi at mga mata ni Ara.


Tanong ni Jolens kay Ara, ano ang pakiramdam na finally ay engaged na siya at kung in-expect daw ba niya ang pagpo-propose ni Dave.


"Hindi talaga," sagot ni Ara. "Kasi nu'ng nagpapa-blower pa ako nu'ng episode natin, eh, pinapalabas 'yung episode."


Ang tinutukoy ni Ara ay 'yung huling guesting niya sa Magandang Buhay kasabay ni Agot Isidro last December. That was also the same time na nag-propose si Dave sa kanya.


Say naman ni Karla, nabanggit daw ni Ara sa last guesting niya sa MB na siya na lang ang hinihintay ni Dave para mag-propose.


"Oo, kasi 'di ba, itineyp natin siya last year? After that kasi, napadami na 'yung oras ko sa kanya. Kasi tapos na akong mag-taping, after the Christmas special. So, mas napadalas ako sa kanya, na makasama siya," tsika pa ni Ara.


This week, marami pang mga sikat at pinag-uusapang celebrities ang bibisita sa Magandang Buhay kaya nood lang from Monday to Friday, 11 AM.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page