top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bumabalik ang trauma… VHONG, HAGULGOL TUWING INIIWAN NG MISIS SA KULUNGAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 24, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 24, 2022


Bagsak ang hitsura at pinipilit kumain.


‘Yan ang descriptions na ibinigay ng misis ni Vhong Navarro na si Tanya nu’ng dalawin daw niya ang kanyang mister sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI) last Wednesday.


Sa kabila nito, nakapag-usap naman daw sila ni Vhong.


“Nagka-catch-up kami (kapag nag-uusap sila). Kasi nga kailangan ko siya i-inform kung ano ‘yung nangyayari sa case,” bungad ni Tanya habang kausap ang ilang members ng entertainment press.


“Tapos, sobrang dami niyang ano, kinukumusta niya si Yce (eldest ni Vhong na anak niya kay Bianca Lapus). ‘Kumusta ka?’ ‘Yung mga ganoon. Tapos, gusto mo siyang kuwentuhan ng mga light naman kasi masyado nang bumibigat.


“Tapos ayun, umandar ‘yung oras na kailangan ko nang umalis, sobrang hagulgol na siya, sobrang emotional na siya,” lahad ni Tanya habang umiiyak na may kasabay na hikbi.


Ano ang worst fear niya ngayon?


“Kung may mangyari sa kanya, wala siyang kasama. ‘Yung security niya,” nanginginig na sabi ni Tanya.


Tumango rin si Tanya na anything is possible.


“Kaya bumabalik ‘yung anxiety, ‘yung trauma. Eh, nangyari na, eh. Posible ulit mangyari,” pag-alala ni Tanya.


Umaasa naman si Tanya na walang kinalaman ang pagiging Kapamilya artist ni Vhong sa pagbaligtad ng naunang desisyon sa kasong isinampa ni Deniece Cornejo laban sa mister niya.


“I hope not,” say ni Tanya. “Sana, walang koneksiyon doon. Kasi personal ito na naging alitan, naging problema. Sine-settle namin nang ganoon. Sana, walang mas malaking koneksiyon.”


No comment naman si Tanya sa mga kumakalat na alingasngas tungkol sa maimpluwensiyang personalidad diumano na nasa likod ni Deniece para muling dinggin sa korte ang kasong isinampa niya laban kay Vhong.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page