top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bullying sa eskwelahan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2024
3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 4, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nagkaroon ng isang pagpupulong sa pagitan ng mga guro at mga magulang na katulad ko sa eskwelahan ng aking anak. Isa sa mga natalakay sa pagpupulong na ito ay ang talamak na insidente ng bullying sa nasabing iskul na labis na naming ikinakabahala. Sa ilalim ng ating mga batas, may mga mekanismo o polisiya ba na dapat sundin upang matugunan ang mga insidente ng bullying sa mga eskwelahan? Salamat sa inyong kasagutan. – Dess



Dear Dess,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 4 ng Republic Act (R.A.) No. 10627, o kilala sa tawag na “Anti-Bullying Act of 2013”, kung saan nakasaad na:


SEC. 4. Mechanisms to Address Bullying. – The school principal or any person who holds a comparable role shall be responsible for the implementation and oversight of policies intended to address bullying.


Any member of the school administration, student, parent or volunteer shall immediately report any instance of bullying or act of retaliation witnessed, or that has come to one’s attention, to the school principal or school officer or person so designated by the principal to handle such issues, or both. Upon receipt of such a report, the school principal or the designated school officer or person shall promptly investigate. If it is determined that bullying or retaliation has occurred, the school principal or the designated school officer or person shall:


  1. Notify the law enforcement agency if the school principal or designee believes that criminal charges under the Revised Penal Code may be pursued against the perpetrator;

  2. Take appropriate disciplinary administrative action;

  3. Notify the parents or guardians of the perpetrator; and

  4. Notify the parents or guardians of the victim regarding the action taken to prevent any further acts of bullying or retaliation.”


Hindi makakaila na nagiging talamak ang mga insidente ng bullying sa ating bansa, at sa kasamaang palad, ito ay madalas na nangyayari sa loob ng ating mga eskwelahan. Kung kaya, sa batas na nakasaad sa taas, inaatasan ang mga school principal o sinumang tao na humahawak ng katulad na posisyon, na gumawa at magpatupad ng mga polisiya na tutugon sa mga insidente ng bullying. Ito ay upang mabilis na matugunan ang mga insidente ng bullying sa eskwelahan at mapanagot ang mga nagkasala nito. 


Sang-ayon sa batas, inatasan ang mga nabanggit na tao na mag-ulat ng mga insidente ng bullying sa law enforcement agency kung nararapat, magbigay ng karampatang parusa sa mga sangkot sa nasabing insidente, ipagbigay-alam sa magulang o guardian ng nagkasala ang nasabing insidente, at ipagbigay-alam sa mga magulang o guardian ng biktima ang mga hakbang na gagawin upang maiwasan na ang mga akto ng bullying.


Ito ang mga nasabing mekanismo na dapat gawin ng mga awtoridad ng eskwelahan upang magkaroon ng konkretong aksyon kung sakaling magkaroon ng mga insidente ng bullying sa kanilang mga eskwelahan. Bilang magulang, nararapat na ikaw rin ay makipag-ugnayan sa school principal o sinumang tao na may katulad na posisyon sa eskwelahan ng iyong anak, upang masigurado na ang nasabing mga polisiya ay ipinapatupad para sa seguridad ng iyong anak at iba pang mga bata tuwing sila ay nasa loob ng kanilang eskwelahan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page