Bulls, nakasuwag ng 4TH Win; Bucks, may 3 na
- BULGAR
- Oct 27, 2021
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 27, 2021

Umarangkada ang Chicago Bulls sa kanilang ika-apat na sunod na panalo kontra Toronto Raptors, 111-108, upang makuha ang solong liderato at maging nag-iisang perpektong koponan sa Eastern Conference sa pagpapatuloy ng NBA kahapon mula sa Scotiabank Arena. Sumabay din sa panalo ang World Champion Milwaukee Bucks at tinalo ang Indiana Pacers, 119-109, para sa kartadang 3-1.
Nanguna muli sa Bulls si DeMar DeRozan sa kanyang 26 puntos at sinuportahan nina Zach LaVine na may 22 puntos at Vucevic na may 17 puntos. Pinaporma lang ng Bucks ang Pacers sa first quarter at mula roon ay sila na ang nagdikta ng laban. Ipinasok ni Giannis Antetokounmpo ang 10 ng kanyang 30 puntos sa third quarter at nabitin sa triple double sa kanyang 10 rebound at siyam na assist at sinundan ni Khris Middleton na may 27 puntos.
Ipinako ng Boston Celtics ang Charlotte Hornets sa 129 puntos at ibinuhos ang walang sagot na 14 puntos sa huling 2:55 ng overtime para sa ikalawang sunod na tagumpay, 140-129. Naglabas ng bagsik si Jayson Tatum para sa 41 puntos.
Nakuha ng Los Angeles Clippers ang unang panalo sa bagong NBA at pinarusahan ang bisitang Portland Trail Blazers, 116-86. Bumanat si Reggie Jackson para sa 28 puntos habang may dagdag 21 puntos si Paul George.
Pinantay ng Brooklyn Nets ang kartada sa 2-2 matapos padapain ng bisitang Washington Wizards, 104-90. Bumida muli sa Kevin Durant na may 25 puntos at sinundan ng bagong Net na si Patty Mills na may 21 puntos. Nagpasikat si Jimmy Butler at nagbagsak ng 36 puntos sa 107-90 pagwagi ng Miami Heat sa Orlando Magic.




Comments