Bulkang Mayon sumabog, Alert Level 3 na

by Jeff Tumbado @News | October 31, 2026

Photo: Ang pagsabog ng Bulkang Mayon sa Albay, kahapon, Oktubre 30. Nagbuga ito ng makapal na abong umabot sa tatlong kilometro ang taas. (Courtesy: Mayor Hisham Ismail/FB)
Nakapagtalala ng katamtamang pagsabog ang Bulkang Mayon nitong Biyernes, Oktubre 30, na nagbuga ng abo na umabot sa taas na 3,000 metro mula sa bulkan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs),
nagsimula ang pagsabog alas-11:53 ng umaga at natapos alas-11:59 ng umaga.
Unang namataan ang abo na umabot sa 3,000 metro mula sa bunganga ng bulkan at tinangay ng hangin patungong kanluran-timog-kanluran.
Sa hiwalay na abiso, nagbabala ang ahensya na posibleng makaranas ng ashfall o pag-ulan ng abo sa Daraga, Guinobatan at mga karatig-bayan sa lalawigan ng Albay.
Kasunod ng pagsabog, itinaas din sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, na nangangahulugang tumataas ang posibilidad ng isang mapanganib na pagsabog.
Ayon sa Phivolcs, pumasok na ang bulkan sa panibagong yugto ng magmatic eruption, na nagpapataas sa posibilidad ng pagdaloy ng lava at mapanganib na pyroclastic density currents (PDCs) o uson sa itaas at gitnang bahagi ng dalisdis nito sa mga susunod na araw hanggang linggo.
Inirekomenda ang agarang paglikas ng mga residente sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng uson, pagdaloy ng lava, pagguho ng mga bato at iba pang panganib na dulot ng pagsabog.





Comments